LESSON 04
“Pool Party”
GANOON na lang ang pagtataka ni Angela nang magisnan niya ang kanyang sarili sa isang paaralang hindi pamilyar sa kanya. Walang katao-tao doon kundi siya lamang. Nag-aagaw ang dilim at liwanag. Pakiramdam niya ay may kung anong nagtatagong panganib sa bawat sulok ng lugar na iyon.
Anong ginagawa niya dito?
Paano siya napunta dito?
Nasa gitna siya ng malawak na parang ng eskwelahan. Luminga siya sa paligid sa pag-asang may makikita siyang tao ngunit nabigo siya. Akmang ihahakbang na niya ang kanyang paa para umalis nang may malamig na brasong yumakap sa kanya mula sa likod.
Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya.
Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang braso. “S-sino ka?” Takot na tanong ni Angela.
“Angela… Tulungan mo ako…” Parang galing sa malalim na hukay ang boses ng babaeng nakayakap sa kanya.
Mabilis niyang nilingon ito at isang malakas na tili ang kumawala sa kanyang lalamunan nang malaman niyang isa itong naagnas na bangkay ng babae! Kumikiwal-kiwal ang matatabang uod na lumalabas sa bibig nito. Naglaglagan pa ang iba sa kanyang balikat. Dahil sa labis na takot ay inalis niya ang braso nito sabay atras.
Tumakbo siya nang tumakbo. At nang lingunin niya itong muli ay wala na ito.
Pagharap niya sa kanyang unahan ay bigla itong lumitaw doon. Nawala ang kanyang balanse at natumba siya sa lupa nang pahiga. Mabilis na gumapang ang babae at pumunta sa ibabaw niya.
Nagsisigaw na siyang lalo. “Tulungan niyo ako! Tulong!!!”
Itinapat ng babae ang bibig nito sa bibig niya habang siya ay sumisigaw. Lumabas sa bibig nito ang napakaraming uod at pumasok ang mga iyon sa kanyang bibig. Halos mabulunan si Angela sa dami ng uod! Bumara ang iba sa kanyang lalamunan habang ang iba naman ay tila nagpipiyesta sa loob ng kanyang bibig.
-----***-----
“AHHH!!!” Malakas na sigaw ni Angela sabay balikwas ng bangon. Nandidiring pinagpagan niya ang kanyang bibig ngunit natigilan siya nang malaman niyang nasa kanyang silid siya.
Panaginip? Panaginip lang ang lahat? Hindi makapaniwalang turan niya sa kanyang sarili.
Para kasing totoo ang lahat. Ramdam niyang totoo iyon.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at huminga nang malalim. Ipinilig niya ang kanyang ulo at muling humiga. Nagpasalamat siya sa Diyos na panaginip lang ang lahat habang nakatitig siya sa kisame.
“Ngunit sino kaya ang babaeng iyon? Bakit humihingi siya ng tulong?” tanong ni Angela.
-----***-----
I AIN’T freakin’, I ain’t fakin’ this!
I ain’t freakin’, I ain’t fakin’ this!
I ain’t freakin’, I ain’t fakin’ this!
Shut up ang let me go! Hey!
Ang kanta na iyon ng The Ting Tings ang tugtog nang sabay na pumasok sina Angela at Chelsea sa gate ng resthouse nina Charlotte sa Pansol. Napakalakas ng music kaya naman may ilan silang kaklase na nagsasayaw sa kinatatayuan ng mga iyon.
Malawak ang lupang kinatitirikan ng resthouse na yari sa magandang uri ng kahoy at semento. May olympic size pool sa harapan niyon na may mangilan-ngilan na ring nagsu-swimming. Lahat ng naroon ay nakasuot ng swimsuit maliban lang sa kanilang dalawa ni Chelsea. Naka-dress siya na hanggang tuhod ang haba habang si Chelsea ay overside-shirt at shorts.
Humanap sila ng table at doon umupo.
Iginala lang ni Angela sandali ang kanyang mata sa paligid sandali. Pagtingin niya kay Chelsea ay nakasuot na ito ng one-piece na swimsuit. Mukhang suot na nito iyon at tinakpan lang ng damit na suot nito kanina.
Nahihiyang umupo si Chelsea sa tabi niya at itinakip ang tuwalya sa katawan nito. “Ang taba ko! Dapat pala nag-crush diet ako!” Himutok nito.
Umiling siya sabay ngiti. “Uy, hindi, a. Hindi ka naman mataba. Tama lang naman katawan mo…” Pagpapalakas niya ng loob ng kaibigan.
“Talaga? Hmm… Ikaw? Hindi ka pa ba magpapalit ng swimsuit mo?”
“Suot ko na siya. Nandito sa ilalim ng dress ko pero mamaya na lang siguro. Parang ayoko rin kasing magswimming. Isa pa, hindi rin naman ako magtatagal. Kailangan kong umuwi agad dahil mag-isa ang mama ko sa bahay.”
Tumango-tango si Chelsea. “Ang saya nila, 'no? Inginuso nito ang mga kaklase nila.
“Oo nga. Nasaan nga pala sina Charlotte? Parang hindi ko sila nakikita.”
“Naku! As usual, grand entrance na naman ang mga iyon. Gusto kasi nila na palagi silang star of the event!”
Magsasalita pa sana si Angela nang biglang mawala ang music. Lumabas ang Queens mula sa resthouse ngunit wala si Charlotte. Napaka-sexy ng mga ito sa suot na two-piece swimsuit. Tumayo ang apat sa harapan ng resthouse. Nakataas ang noo.
Muling tumugtog ang music nang lumabas na si Charlotte. Kumakaway pa ito na akala mo ay isa itong beauty queen.
Hinila na siya ni Chelsea papunta sa mga ito. Ayaw man niya ay sumunod na lang siya dito. Nasa unahan sila at kaharap si Charlotte.
“God evening, guys! Party-party na!!!” sigaw nito.
Nagsigawan ang lahat at nagpulasan. Ang iba ay tumalon sa pool habang ang iba ay sumayaw naman. May ilan din na pumunta sa mahabang table kung saan naroon ang mga pagkain.
Aalis na sana sina Angela nang tawagin siya ni Charlotte.
Napahinto siya. “Bakit?” tanong niya dito.
Humakbang ito palapit sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Hindi ka ba na-o-OP? Saang prom night ka naman galing?” Nagtawanan ang apat na alipores nito sa likod. “Guys! Lapit kayo dito!”
Mabilis na naglapitan ang mga kaklase niya at inikutan sila ni Charlotte. Nakatingin lang siya dito.
“Guys, tignan niya naman itong bago nating kaklase! Akala yata ay sa prom night pupunta kaya naka-dress!” Pang-iinsulto pa ni Charlotte sa kanya.
Tinawanan na rin siya ng lahat maliban kay Chelsea na nakayuko lang. Alam niya kung bakit ito lumayo sa kanya. Natatakot ito na baka madamay ito.
“Yeah! Para siyang magni-ninang sa binyag!” singit naman ni Paris.
“I like her dress!” Ngingiti-ngiti naman si Sasha.
“Dumb! Hindi mo dapat siya pinupuri!” sabay higit ni Morgan sa buhok ni Sasha.
“Ouch! I said I just like her--”
“Enough!” saway ni Charlotte sa mga kaibigan sabay tingin ulit sa kanya. Mukhang siya ang “trip” nito ngayong gabi. “Siguro kaya hindi ka makapag-swimsuit kasi pangit ang katawan mo or puro ka peklat! Hindi katulad ng sa akin na maganda!” Maarte pa itong umikot at ipinakita ang katawan.
Sa totoo lang, maganda naman talaga ang katawan ni Charlotte. Maputi ito at flawless katulad nina Morgan, Sasha, Kelly at Paris.
Maya maya ay lumapit si Morgan kay Charlotte at may ibinulong. Nag-apir pa ang dalawa matapos at tuwang-tuwa na tinignan siya.
“Ikaw, Angela! Inuutusan kitang magpalit ng suot mo. I am sure may baon ka namang swimsuit, right?”
“Meron naman, Charlotte… Actually s-suot ko na siya--”
“Then hubarin mo na 'yang cheap mong dress para makita na namin kung bakit ayaw mong mag-swimsuit! I bet, sobrang pangit ng katawan mo!” Tinaasan pa talaga siya nito ng kilay.
Napahinga siya nang malalim. Nagtama ang mata nila ni Chelsea at sinenyasan siya nito na sundin na lang si Charlotte. Mukhang wala rin naman talaga siyang choice kundi gawin ang gusto nito.
Tinanggal na niya ang pagkaka-butones ng suot na dress sa harap. Ibinaba niya iyon at nalantad na sa lahat ng naroon ang katawan niyang nakasuot ng two-piece bikini na kulay pink. Lahat ay napanganga sa kanya. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga kaklase niyang lalaki at inggit naman sa ibang babae. Kahit si Charlotte ay nagulat nang makita ang kanyang katawan. Alam niya kasi na makinis siya at maganda ang kurba ng katawan. Hindi siguro iyon inaasahan ng lahat kaya ganoon ang reaksiyon ng mga ito.
“OMG! Ang sexy mo, Angela!” Komento ni Sasha.
“Shut up, Sasha! Kanina ka pa, ha!” Galit na sigaw ni Charlotte sabay tingin sa kanya ng masama. Dinuro siya nito sa noo. “At ikaw naman! Pabibo ka rin, 'no?! Sinadya mong magpaka-manang para tudyuin ka namin na maghubad. Eksena ka rin!”
“Charlotte, h-hindi…” Tanggi niya.
“Anong hindi?! Inaagawan mo ako ng eksena sa sarili kong party? How dare you?!”
“Slap her, Charlotte!” susog ni Morgan.
“No, Morgan. This girl deserves better!” Bigla siyang hinawakan nito sa braso.
“Aray! Anong gagawin mo sa akin?” aniya.
“Well… Wala kang pake!” Hinila siya ni Charlotte papunta sa pool at itinulak siya sa malalim na parte.
Kakawag-kawag siya dahil hindi naman siya marunong lumangoy. “Tulong--” Bigla siyang lumubog.
Kumampay siya paibabaw at sumagap ng hangin ngunit agad din siyang lumubog. Kapag lumilitaw siya ay naririnig at nakikita niya ang mga tawa nina Charlotte. Wala man lang naglakas-loob na sagipin siya kahit nalulunod na siya ng sandaling iyon.
“Hindi ako marunong lumangoy! Tulong--” Hindi na alam ni Angela ang kanyang gagawin. Kahit anong kampay ng kamay at paa niya ay hindi siya makaalis sa kanyang pwesto.
“'Yan ang nababagay sa katulad mong eksenadora! b***h! Malunod ka! Sige!” Wala man lang siyang mabakas na awa sa mukha nito.
Hanggang sa mawalan na ng lakas ang buong katawan ni Angela. Hindi na siya makagalaw kaya naman dumiretso na siya pailalim ng pool. May nakita siyang tila tumalon sa pool at naramdaman niya ang isang braso na yumakap sa kanyang beywang. Iniahon siya ng taong iyon mula sa tubig at maingat na inihiga sa gilid ng pool.
-----***-----
“DARATING ba si Benjamin?” Tanong ni Morgan kay Charlotte habang papalabas na sila ng resthouse. Tapos na kasi silang magpalit ng swimsuit at handa na silang magpakita sa mga kaklase niya. Paniguradong maglalaway ang mga lalaki sa ganda ng katawan nila at kaiinggitan na naman sila ng mga babae.
Napahinto sa paglalakad si Charlotte. Kasunod lang nila ang iba pa nilang kaklase. “My ex? I don’t know, Morgan. Hindi pa rin siya pumapaso, right? Siguro, hindi. But… sana. I really missed him na kasi.” Nalungkot tuloy siya nang maalala ang kanyang ex-boyfriend.
Two years ago ay nagbreak sila and after that break up ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Nagtransfer ito sa ibang school at nagbabalik ito ngayong taon sa Trinity School Of Laguna. Nakita niya ang pangalan nito sa list ng student sa section nila kaya alam niya na kaklase nila si Benjamin. Mukhang hindi pa lang ito pumapasok.
Nagpahuli sa paglabas si Charlotte sa paglabas ng resthouse. Hindi siya nagkamali, lahat ay napa-wow sa kanyang kaseksihan. At nang makita niya ang newcomer na si Angela ay nag-init agad ang dugo niya dito. She really hate that girl! Bukod sa kinalaban siya nito noong unang araw ng pasukan ay talagang galit lang siya dito sa hindi malamang dahilan. Kaya naman nang makita niyang naka-dress ito ay hinamon niya itong magpalit ng swimsuit. At hindi niya inaasahan na mas sexy pala ito sa kanya!
Sa inis niya ay itinulak niya ito sa pool at ganoon na lang saya niya dahil hindi pala ito marunong lumangoy.
“Die, b***h! Die!” Humahalakhak pa niyang sabi nang lumubog na si Angela at tila nalunod na ng tuluyan.
Ngunit ganoon na lang ang gulat ng lahat nang mula sa kung saan ay isang lalaking nakasuot ng white long sleeves na polo at shorts ang nag-dive sa pool para sagipin si Angela. Iniahon ng lalaki si Angela at inihiga iyon sa sa gilid ng pool.
Mi-nouth-to-mouth ng lalaki ang walang malay na si Angela hanggang sa magkaroon ito ng malay at sumuka ng tubig. Maingat na pinaupo ng lalaki si Angela na panay ang ubo.
Galit at hindi makapaniwala na nilapitan ni Charlotte ang lalaki. Dahil nakatalikod ito sa gawi niya ay hindi niya makita kung sino ang walang kwentang lalaki na nagligtas sa babaeng kinaiinisan niya.
“And who the hell are you?!” Hinawakan niya ang balikat ng lalaki at iniharap sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makilala niya kung sino ito. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang singkit nitong mata, makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Nanginig siya at napatulala sa lalaking iyon.
Tumayo ito sa harapan niya at ngumisi. Sa tangkad niyang 5’9 ay hanggang balikat lang siya ng lalaki. “Tsk, tsk, tsk… Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Charlotte. You’re still the Queen b***h of our school kahit dalawang taon akong nawala!” Kahit basang-basa ito ay napakagwapo pa rin nito.
“B-benjamin!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Charlotte. “You’re back?!”
“I am!” anito.
TO BE CONTINUED…
NOTE: Hey, guys! I need your comments and reactions para sa ST4. Please… Hindi ko kasi alam kung itutuloy ko pa siya dito sa w*****d or hindi kasi parang wala namang nagbabasa. Salamat po…