LESSON 10 “b***h Versus Bitches” ISA lang ang lugar na naisip ni Angela kung nasaan sina Morgan-- sa rooftop. At hindi nga siya nagkamali dahil nandoon nga ang apat na miyembro ng Queens. Naabutan niya ang mga ito na nagtatawanan at masayang nag-uusap. Naulinigan niyang pinag-uusapan ng mga ito ang ginawa ng mga ito kay Charlotte. “Tama nga ako na kayo ang may gawa niyon kay Charlotte,” aniya pagkalapit niya sa apat. “Hindi ba pwedeng tigilan na lang natin siya o huwag nang mang-bully ng ibang estudyante?” Diretsong sabi niya sa mga ito. Napatingin sa kanya si Morgan sabay taas ng kilay. “Ang OA mo, Angela! Saka teka nga, hindi ka ba masaya na ginawa namin iyon sa kanya? Parang nakaganti ka na rin kasi ikaw ang binu-bully niya before! Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang sa amin?”

