LESSON 11 “Suffering” TULALA at walang emosyon na nakatingin si Charlotte sa labas ng bintana ng kanilang classroom. Nakamasid siya sa mga naglalakad na mga estudyante sa labas habang siya ay mag-isa sa loob ng classroom. Dalawang linggo na simula nang mahulog siya sa hagdan at mabalian ng dalawang binti. Ngayon ay hindi pa rin siya makapaglakad dahil naka-semento pa rin ang kanyang mga binti at matatagalan pa raw ayon sa doktor na tanggalin iyon. Masyado daw napinsala ang kanyang buto doon. Kaya naka-wheelchair siya palagi. Pakiramdam niya tuloy ay lahat na ng kamalasan sa buhay ay sinalo na niya. Hinihintay na lang niya ang susunod na mangyayaring kamalasan sa kanya. Ito nga marahil ang karma niya dahil sa kasamaan niya. Siguro nga dapat lang na mangyari ito sa kanya! Pero ang ikinas

