04:30 PM "So, that`s it. We must work this out before holiday. Is everything clear?" "Yes, Ma`am." Nagkaroon kami ng meeting ngayon para sa mga projects na dapat naming tapusin bago ang Christmas vacation at para na rin sa mga upcoming projects pa. "Ma`am Nika, malapit na ho ang Christmas. Saan po kayo magse-celebrate?" tanong ni Mark sa akin habang nagliligpit ng mga gamit. Kasalukuyan pa kaming nagliligpit ng mga gamit na ginamit namin sa meeting kanina at narito kami ngayon sa Conference Room. Kumpleto pa kaming narito ngayon kaya ito na naman sila at sinisimulan akong interview-hin. "Uuwi ako sa Laguna. Mag-pa-pasko ako kasama ang pamilya ko," wika ko. "Si Sir Lander po ba?" segunda naman ni Rose. Napailing ako sa mga tanong nila dahil alam ko naman kung saan patungo ang mg

