Chapter 39

1647 Words

“ANG PUTLA-PUTLA mo, love. Tingnan mo mukha mo sa salamin," pang-aasar ko kay Lander habang itinatapat sa kaniyang mukha ang dala-dala kong compact mirror. Mas lalo akong natawa nang hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Nakasimangot na ito at halos hindi na maipinta ang mukha. Parang nasusuka na hindi mo mawari. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat unahin, ang tumawa o ang maawa. "Kung hindi lang kita mahal, love hindi talaga ako sasakay sa ride na iyon, e," nakabusangot nitong reklamo. Ikinawit ko ang aking braso sa kaniyang braso at pilit na pinipigilang matawa sa mukha nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago simula nang makababa kami sa Anchors Away. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kasi ito lang din naman ang unang beses na ginawa namin ito, nandito kasi kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD