TULALA ako nang lumabas sa hospital room ni John Marc. Parang gusto kong tampalin nang paulit-ulit ang sarili ko para masiguro ko na hindi ako nananaginip lang. Pero kanina ko pa iyon ginagawa, hindi naman ako nagigising, so, realidad talaga ito. Si John Marc ang nakaratay doon at three months na siyang comatose. Haay!!! Ang sakit nito sa ulo—Pero saglit lang… Hindi naman kaya… kaluluwa ni John Marc ang nakasama ko at inakala kong tao siya dahil nakakakita naman talaga ako ng mumu?! Oh my, God! Posible iyon. Iyon lang ang naiisip kong matinong sagot sa tanong ko, eh! Kaluluwa lang ni John Marc ang nakasama ko at napagkamalan ko lang na tao siya. Pero alam niya kaya na kaluluwa siya o nagsinungaling siya sa akin? Siguro ay ganoon kalakas ang kagustuhan niya na makausap noon si Ella kaya

