NANG matapos ang nurse na linisin ang sugat ko sa noo ay pinalitan na rin niya iyon ng bagong benda. Pinainom na rin niya ako ng gamot para sa sugat. Wala naman daw akong dapat ipag-alala kundi iyong sugat lang. “Ah, nurse, tricycle driver po ba talaga ang naghatid sa akin dito?” tanong ko nang papaalis na siya. “Opo, ma’am. Ako po ang mismong nag-assist sa inyo kaya alam ko. Ang sabi pa nga no’ng tricycle driver ay nakita niya kayong papalabas ng bahay niyo na duguan ang ulo tapos bigla kayong nawalan ng malay. Ano po bang nangyari sa inyo, ma’am?” “Nahulog ako sa hagdan. Katangahan…” Tumango siya. “Sige po, maiwan ko muna kayo, ma’am.” At nakangiting umalis iyong nurse. Ano ba talaga ang nangyari? Sa pagkakatanda ko kasi ay nahulog ako sa hagdan tapos tinulungan ako ni John Marc. H

