HAHAWAKAN ko na sana ang door knob sa pinto ng kwarto kung saan naroon si Ella nang pigilan ako ni John Marc. Hinawakan niya ang kamay ko at inilayo sa door knob. May pagtataka na napatingin ako sa kanya. John Marc, `wag ka namang ganiyan sa akin. Pa-fall ka masyado, eh! “B-bakit?” tanong ko sa kanya. “Iska, before kong kausapin si Ella, gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil ikaw ang naging daan para mangyari ang lahat ng ito. Thank you kasi ginawa mo ang lahat para makausap ko si Ella… para mawala na ang bigat na nararamdaman ko. Sorry din kung naging masungit ako sa’yo bigla. May reason iyon at malalaman mo rin ang dahilan ko sa tamang panahon…” aniya. Ngumiti ako. “Wala ka namang dapat ipagpasalamat, eh. Ginawa ko lang ang trabaho ko at masaya ako na sa wakas ay natapos ko na siya.

