ISKA’S POV KANINA pa ako kinakabahan. Hindi ko kasi sigurado kung narinig ba ni Nae Nae at John Marc ang sinabi ko sa kanila. Ang sabi ko kasi, dapat ay sumapi si Nae Nae sa katawan ko kasi multo siya blah blah blah… Basta in-explain ko sa kanila ng maayos. Kung narinig man nila ako, magawa kaya iyon ni Nae Nae? “Hoy, Iska! Para kang hindi mataeng pusa diyan. Nahihilo na ako sa pabalik-balik mo!” sita sa akin ni Ella. “Ha?” Nakita niyo na. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na napansin na kanina pa pala ako paroo’t parito. Kung hindi pa ako pinansin ni Ella ay hindi pa ako titigil. “Natatakot ka na baka hindi narinig sa kabila iyong sinabi mo, ano? Don’t worry, hindi tayo papabayaan ni Lord.” “Eh, kasi naman… Sabagay. Be positive na nga lang siguro…” sabi ko na lang. “Tama naman iyan—Wa

