JOHN MARC’S POV “OO! Naririnig ko! Bakit ikaw, hindi mo ba naririnig?” tanong sa akin ni Nae Nae. Nag-concentrate ako para mapakinggang ang sinasabi niya pero wala akong ibang marinig kundi ang nakakabwisit na hagikhik ni Devilo na nasa katawan ni Iska. Mukhang hindi naman nagbibiro si Nae Nae. Meron talaga siyang naririnig. Umiling ako. “W-wala akong naririnig,” sagot ko. “Ano ba `yan? Ang weak mo naman, John Marc!” “Hihihi! `Wag kang makinig sa kanya, John Marc! Patayin mo na ang katawan ng babaeng ito! Patayin mo na! Gaya ng pagpatay mo kay Ella! Hihihi!” Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi ni Devilo. Sinabihan ko si Nae Nae na kung naririnig niya talaga si Iska ay alamin niya ang sinasabi nito. Very dramatic pang pumikit si Nae Nae. Nakakbwisit ang mukha niya pero hindi ko na l

