NATIGILAN ako sa sinabi ni John Marc. Ano daw? Siguro ay na-misheard ko lang siya. Haay… Kung anu-ano na talaga ang naririnig ko. Hirap naman maging ispiritista. “Sige na, aalis na ako. Anuman ang maging desiyon mo ay magiging masaya na rin ako, John Marc.” Pilit kong pinasaya ang boses ko. “Iska!” pasigaw na tawag niya sa akin. “Ay kabayo!” Gano’n na lang ang gulat ko nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Nalilito tuloy na napatingin ulit ako sa kinaroroonan niya kanina. Itinuro ko siya nang may pagtataka sa aking mata. “Paano kang—“ At bigla kong naalala na mumu nga pala siya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” “Ang alin ba?” “Kung pipigilan mo akong sumama kay Ella, hindi na ako sasama.” Kumunot ang noo ko. “H-ha? B-bakit ko naman gagawin iyon?” Nag-umpisa na akong mapawis

