“H-HINDI… Hindi kita mahal. Jino-joke ka lang ni Nae Nae, naniwala ka naman agad.” Tatawa-tawa ako pagkatapos kong sagutin ang tanong ni John Marc. Umiling-iling siya. “No. Hindi ako naniniwala. Hindi sasabihin sa akin iyon ni Nae Nae kung hindi totoo.” “Parang hindi mo naman kilala si Nae Nae. Eh, maloko ang multong baklang iyon. Sige na, aalis na ako.” Kailangan ko na talagang umalis dahil nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko. Ngayon lang kasi ako nagsinungaling. At sa totoong nararamdaman ko pa. First time ko pa naman na ma-inlove tapos ganito pa pala ang mangyayari. Pero, wala naman akong pinagsisisihan na sa isang kaluluwa ako nagkagusto. Atleast, naranasan ko kung paano ang kiligin at magmahal ng ibang tao bukod sa family ko. Maglalakad na sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


