CHAPTER 04

1362 Words
“AT talagang `andito pa rin kayo, ha?!” After one week ay bumalik na si Donyo Dora. May bitbit siyang dalawang malalaking maleta na sa tingin ko ay mga damit niya ang laman. Talagang tuloy na tuloy na ang paglipat niya dito sa bahay namin. Nasa likuran ko sina Kiko at Becca habang nakayakap naman sa beywang ko Bibo. “Donya Dora, hindi po kami pwedeng umalis dito,” sabi ko. “`Andito ang alaala ng namatay naming magulang.” Pinanlakihan niya ako ng mata. “Wala akong pake! At hindi niyo ako mapipigilan na palayasin kayo dito! Gusto niyo bang isampal ko ulit sa inyo ang titulo at kontrata? Ha?! Ha?!” “Donya naman kayo, `di ba? Mayaman naman kayo. Bakit kukunin niyo pa sa amin ang maliit na bahay na ito?” singit ni Kiko. “Natalo rin kasi ako sa tong-its at lahat ng ari-arian ko ay naitaya ko na. At itong bahay na lang na ito ang meron ako. Kaya lumayas na kayo ngayon din!” Haay… Mukhang desidido na talaga si Donya Dora na paalisin kami. Pero paano naman kami? Wala naman akong kilalang kamag-anak namin na pwede kong hingan ng tulong. Isa pa, hindi naman ganoon kalaki ang ipon ko para umupa ng isang apartment o bahay na kasya kaming magkakapatid. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Hindi kami pwedeng umalis sa bahay na ito! Ah! Alam ko na… “Donya Dora… k-kung gusto niyo po, gawin niyo na lang akong katulong niyo. `Wag niyo lang kaming palayasin dito. Hindi po talaga kami pwedeng umalis dito dahil ayokong malayo kami sa mga bagay na nagpapaalala sa mama at papa namin…” teary eyed na ako. Yes, desperada na talaga ako. “Ate…” protesta ni Becca. Nagpaypay si Donya Dora at parang nag-iisip. “Sige! Payag na ako. Hindi ko kayo papaalisin dito pero gagawin kitang katulong kapalit ng pagtira niyo dito. Tutal naman ay hindi ako sanay sa mga gawaing-bahay. Para naman may gagawa niyon para sa akin!” aniya. At ganoon na nga ang nangyari. Mula sa simpleng “Iska” ay naging “Yaya Iska” na ako ni Donya Dora. Wala, eh, kailangan ko itong gawin. No choice. Pero atleast, nandito pa rin kami sa bahay namin. SIMULA nang sa bahay na tumira si Donya Dora ay nagbago na ang lahat. Siya na ang natutulog sa kwarto namin habang kaming magkakapatid ay naglalatag na lamang ng banig sa may salas. Wala naman kaming magagawa dahil nakikitira na lang kami dito. Hindi pa rin nawawala ang pagiging raketera ko. Kailangan kong kumita dahil hindi naman ako pinapasweldo ni Donya Dora. Raket pa more ang peg ko para sa pangangailangan at pag-aaral ng mga kapatid ko. “Ate, nasa’n na nga pala iyong promise mo sa akin na new phone?” sabi sa akin ni Becca habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin ng almusal. Kapag walang pasok ay tumutulong naman sa akin sina Becca at Kiko sa gawaing bahay. Tulad ngayon, tinutulungan ako ni Becca sa hugasin habang si Kiko naman ay naglalaba. “Sorry, Becca… Kulang pa ang ipon ko, eh. Medyo mahina ang mga raket ko ngayon. Hayaan mo, baka next week ay maibili na kita,” nakangiti kong sagot sa kanya. “Hay… Sana nga, ate. Nakakahiya na kasi iyong cellphone ko. Puro gasgas na.” “Oo na. Ibigay mo na lang sa akin iyon kapag naibili na kita ng bago.” Sira na rin kasi ang cellphone ko. Basag na ang screen. Halos isang taon na rin sa akin kasi iyon. “Sure, Ate Iska. Thank you, ha.” Naantala ang ginagawa namin ng makarinig kami ng parang nabasag na bagay mula sa salas. Kinakabahan na nagkatinginan kami ni Becca. Noong isang araw kasi ay maraming malalaking vase na di-nisplay si Donya Dora sa buong bahay kaya naman lalong sumikip dito. Mukhang isa sa mga iyon nag nabasag. Kinakabahan kami ni Becca dahil si Bibo lang naman ang naroon sa salas! “Ang vase kooo!!!” Malakas na sigaw ni Donya Dora at sinundan iyon ng malakas na pag-iyak ni Bibo. “Ate, si Bibo!” ani Becca. Agad kong ipinunas ang kamay ko na puro bula sa gilid ng damit ko at tumakbo papunta sa salas. Doon ay naabutan ko na pinapalo ni Donya Dora sa kamay ang bunso namin. “Salbahe kang bata ka! Inggrato! Binasag mo ang vase ko!” galit na galit talaga si Donya Dora. Agad na nag-init ang ulo ko sa nakita ko. Unang beses na may nanakit sa kapatid ko! Hindi ako makakapayag! Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para hilahin si Bibo at itulak si Donya Dora. Maganda yata ang balance niya kaya naman hindi siya natumba. Hindi makapaniwala na tiningnan ako ni Donya Dora. Napayuko ako at niyakap si Bibo. “Aba’t—Lumalaban ka na, ha! Iska!” “Dahil hindi tama ang ginagawa niyo sa kapatid ko!” “At sa tingin mo, tama ang ginawa ng kapatid mong bubwit?! Binasag niya ang vase ko na nabili ko pa sa Iraq!” “Kahit na, Donya Dora! Noong nabubuhay pa ang mga magulang ko ay hindi nila kami sinasaktan!” “Ah! Kaya pala! Kaya pala wala kayong manners, hindi kayo nadidisiplina ng maayos! Sige, kung ayaw niyo na disiplinahin ko kayo, lumayas kayong lahat dito. Wala akong pake!” Para akong sinapak nang mega hit nang marinig ko ang sinabi ni Donya Dora. Lumayas? Jusko! Ayoko! Hindi pwede dahil wala kaming pupuntahan na magkakapatid. Saan kami nito pupulutin kung papalayasin kami dito ng malupit na si Donya Dora? Hindi ko naman makakaya na sa lansangan kami matutulog. Sa akin, keri lang. Eh, sa mga kapatid ko? I bet, hindi nila kaya. Saka ayoko rin na nahihirapan sila. Baka multuhin ako nina mama at papa kapag pinabayaan ko ang mga kapatid ko. “S-sorry po, Donya Dora…” `Ayan na, ha. Nagpakumbaba na ako. Umismid siya. “Ang tapang-tapang mo kanina, Iska, ha! Tapos no’ng sinabi kong lumayas kayo biglang bait-baitan! Hala, bumili ka ng super glue at ang gusto ko ay buuhin mo ulit `yang vase ko. Pagbalik ko at basag pa rin iyan, makikita mo, Iska! Babala!” “Okey po. Pero, sa’n nga pala kayo pupunta, Donya Dora?” “Sa kumare ko, magto-tong its!” At walang lingon-likod na lumabas na siya ng bahay. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang wala na ang dragon na iyon. Tinawag ko si Kiko para pabilhin ng super glue. Haay… Nabawasan na naman ang budget ko para sa aming magkakapatid. Limang super glue ang pinabili ko at hindi ito kakayanin ng isa lang. Hanggang beywang ko kasi iyong vase. Ewan ko ba diyan kay Donya Dora, ang daming malalaking vase na dinala dito tapos `yong iba nilalagyan niya ng tubig at halaman or bulaklak. Iyan tuloy, medyo dumadami ang lamok ngayon dito sa bahay. Buti sana kung responsible siya sa pagpapalit ng tubig sa mga vase, eh, hindi naman. Sa amin pa rin ipinagagawa! Oo nga pala, pagsasabihan ko itong si Bibo para sa susunod ay hindi na siya makabasag… “Bibo, sa susunod kung maglalaro ka, doon na lang sa labas, ha. Alam mo naman na hindi ka na pwedeng maglaro dito sa loob dahil sa mga vase ni Donya Dora. Kita mo, nakabasag ka na agad ng isa…” Mariin na umiling si Bibo. “Hindi po ako, Ate Iska ang nakabasag!” aniya. “Ha?” kunot ang noo na turan ko. “Sino?” “Si Princess po, Ate Iska. Nakaupo nga lang po ako tapos si Princess, takbo siya nang takbo. Ang kulit-kulit po niya, ate…” inosenteng sagot ni Bibo. Agad na nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi ni Bibo. Imaginary friend niya nga lang kayo si Princess? Pero bakit kapangalan ito ng namatay na anak ni Ate Baby? Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi ni Ate Baby na nakakakita si Bibo ng mga nilalang na hindi nakikita ng normal na taong tulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD