“SO, saan natin uumpisahan na hanapin ang kaluluwa ni Ella?” tanong ko kay John Marc. “Sa resthouse ko sa may Batangas. Doon kami madalas ni Ella. Hindi iyon alam ng parents namin kaya malaya naming nagagawa ang lahat doon,” seryosong tugon niya. Napaisip naman ako bigla sa sinabi niyang “lahat”. As in lahat nagagawa nila doon? Lahat-lahat? Pati na `yong… Ay, ano ba?! Ang dumi naman yata ng utak ko ngayon? Okey. Kakalma na muna ako. “Oh, bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” untag niya sa akin. “Ha?” Parang timang na kumurap-kurap ako. Teka. Paano ba ako makatingin sa kanya at natanong niya iyon? Bigla tuloy akong na-conscious sa hitsura ko. Baka tinging-manyak ako kanina sa kanya, ha. Nakakahiya! “Ah, eh… w-wala. Gusto ko lang sabihin sa’yo na kagabi, nag-research ako kung paano mag

