Chapter 64 Venice - "Ano na kayang mangyayari sa atin?" tanong ko kay Leo nang mamutawi ang katahimikan sa paligid naming dalawa. Lulan ng kotse ay nagliwaliw kami kanina sa kahabaan ng EDSA. Siya ang naroon sa driver's seat at nagmamaneho habang walang imik ko namang pinagmamasdan ang mga dumaraang building sa labas ng bintana mula rito sa passenger's seat. Lahat na rin yata ng pwede naming madaanang shortcut ay nilusutan na ni Leo, tila ba hindi namin mawari kung saan kami patungo at doon din ay nakuntento na kami. Kalaunan nang mapahinto kami sa harapan ng Manila Bay. Kung saan tanaw na tanaw ko ang may kalawakang dagat. Dapit hapon na, kaya naman ay maganda sa paningin ang pinaghalong orange at yellow sa paligid nang papalubog na araw mula sa harapan namin. Maang ko lang iyong p

