Chapter 63 Venice - Matapos iyon ay muli akong hinila ni Leo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Hila-hila lang nito ang kamay ko, samantala ay hindi ko naman magawang alisin ang tingin ko kay Mrs. Ortiz. She really hates me, pero naging sapat na sa akin iyong huling sinabi niya. May parte rin sa akin na naaawa sa kaniya, siguro dahil isa siyang ina na ang kagustuhan lamang ay ang ikabubuti ng kaniyang anak. Ganoon naman talaga ang mga magulang, hindi ba? Walang ina ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak. At some point, naiintindihan ko rin siya dahil katulad ni Mommy, may mga rason silang ipinaglalaban sa buhay. Gusto nilang mapabuti ang kanilang anak, ilayo sa mga bagay na maaaring ikapahamak nila ngunit kagaya nga ng sinabi ni Leo; hindi lahat ng sa tingin nila ay tam

