Chapter 62 Venice - Sa huling sinabi ni Mrs. Ortiz ay mas nagsalubong ang dalawang kilay ko. Mabilis pa sa kidlat na nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Leo na siyang kaninang binanggit niya. Ngunit sumakit na lang ang leeg ko ay wala akong nakita, maski ang anino nito ay hindi ko masilayan. Muling natawa si Mrs. Ortiz sa naging reaksyon ko, nanlalaki ang parehong mata ko na akala mo ay nakakita ng multo. Binalingan ko ito, siya namang abot nito sa isang cellphone na naroon sa center table. Hindi ko iyon napansin kanina at mas ikinagulat ko pa nang makitang nasa kabilang linya si Leo, roon marahil ay nakikinig siya. Literal na bumagsak ang panga ko at hindi na nakapagsalita, sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ay para akong nabingi na hindi ko na magawang marinig ang

