Chapter 29 Leo - Wala sa sarili nang mapabalikwas ako sa pagkakahiga ko, sandali pang tumigil ang paghinga ko sa nabasang text ni Travis. Umayos ako ng upo ko sa kama habang maang pang pinaulit-ulit ang message nito. Naglayas si Venice? Nangunot ang noo ko. Bakit naman maglalayas ang mangkukulam na iyon? May nangyari ba? Para makasiguro ay tinawagan ko si Travis ngunit nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot. Mas lalo akong kinabahan, kapagkuwan ay mabilis na tumayo. Nilingon ko pa iyong bintana at nakitang madilim ang kalangitan. For christ's sake, gabi na at anong oras na rin. Ano na naman bang pumasok sa utak ng babaeng iyon? Mariin akong napapikit, saka pa kinuha iyong hoodie ko at madaliang sinuot. Mabilis lang din akong lumabas ng kwarto habang hawak-hawak ang cellphone sa

