Chapter 28 LEMUEL ORTIZ'S POV - "Nakauwi na siya?" tanong ko kay Travis sa kabilang linya. "Pucha! Tawag ka nang tawag. Iyong chicks ko, tatawag din ngayon." "Sige, text na lang." Matapos iyon ay maagap ko ring pinatay ang linya, saka naman ako nagtipa ng mensahe. "Nakauwi na siya?" Napahinga ako nang malalim, bago inihilig ang likod sa headboard ng kinauupuan kong kama. Kumikibot pa ang labi ko dahilan para ilang beses kong makagat ang pang-ibabang labi. Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Hindi pa ako nakakapagbihis at nag-aayos ng sarili, pero cellphone kaagad ang inaatupag ko. Kakakita ko lang kay Venice kanina ngunit heto at siya pa rin ang hinahanap ko ngayon. Lintik talaga na mangkukulam iyon. "Wala pa," pagbasa ko sa text ni Travis, rason para mapabalikwas ako sa kinauupuan

