Chapter 27 Venice - Mabilis ko itong nilingon, nanlaki pa ang dalawang mata ko nang bumungad sa paningin ko ang pagmumukha ni Leo. Wala pa sa sariling napatayo ako sa pagkakaupo ko sa sobrang gulat sa biglaang presensya nito. "A—anong ginagawa mo rito?" maanghang kong tanong habang hindi pa ring makapaniwalang pinagmamasdan siya. "Bumili ng pagkain, dito ako magla-lunch. Bakit?" Ngumiti ito, kapagkuwan ay naupo sa katabi kong upuan dahilan para bumagsak ang panga ko sa sahig. Napalatak pa ako sa hangin dahil literal na hindi ako nakapag-react. Bakit siya nandito? Hindi ba't si Travis iyong tinawagan ko? Paanong nangyaring si Leo ang narito ngayon? Don't tell me— oh, God! That f*cking idiot! Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang nagsisimulang mag-alburoto kong puso na imbes s

