Chapter 85 Venice - "Isa iyon sa requirements ko para tanggapin ulit kita. Kung hindi mo magagawa..." Huminto si Leo, ilang segundo lang nang maging kibit ang balikat niya. Malakas siyang bumuntong hininga, wala na rin akong naging salita nang tumalikod siya at patakbong umalis sa kaninang pwesto niya. Samantala ay naiwan ako roong nakatulala lang sa papalayo nitong pigura. Ibig sabihin ay alam niyang may anak kami? Umawang ang labi ko sa reyalisasyong iyon. Paano niya nalaman? Literal ba talagang pinangatawanan nitong isa siyang stalker ko? Ganoon ba iyon? Sa kawalan ko nang maisasagot ko ay nasapo ko na lang ang dibdib ko, para rin pakalmahin ang puso kong wala na yatang tigil sa malakas na pagtibok. Kulang na lang ay kumawala iyon sa dibdib ko. "Leonel..." wala sa sariling usal k

