Chapter 84 Venice - "Bumaba ka na!" "Ayoko, masakit ang binti ko. Hindi ako makagalaw," banggit ko, saka pa umarteng akala mo ay kinagat ng dinosaur. Wala sa sariling nahilot ni Leo ang kaniyang sentido, tanda ng labis nitong pagkainis sa akin. Pasensya na, ito lang kasi ang alam kong paraan para mapatagal ang oras namin. Isa pa ay masyado akong natutuwa sa nakikitang reaksyon ni Leo. "Venice, isa..." pagbabanta ni Leo ngunit umiling lang ko. Itinaas ko pa ang binti ko para maipakita sa kaniya ang sakong ng paa ko na siyang namumula, tanaw ko pa ang maliit na pagdurugo roon. Kapagkuwan ay mahina akong humagulgol. "Wala ka bang konsiderasyon? Ikaw kaya ang may kasalanan nito," angil ko habang panay pa rin ang pagngawa ko na wala namang luha. "Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ak

