Chapter 96 Venice - Sadyang napakabilis nga talaga ng panahon kapag masaya ka, iyong tipong hindi mo na mamamalayan ang paglipas ng segundo, ng minuto, oras at araw hanggang sa mapapansin mo na lang kung nasaan ka ngayon. Kung saan ka nakatayo, kung ano iyong mga nakikita at nararamdaman mo. Kasi sa ngayon? Wala na akong ibang mahihiling pa, wala na akong masabi kung 'di salamat— salamat sa mga sakit na naranasan ko. Salamat sa sama ng loob na dinala ko ng ilang taon, sa mga walang katapusan kong pag-iyak at pagsisisi noon, kung hindi dahil doon ay hindi ko mararamdamang buo ako ngayon. Hindi ko makakamit kung ano at nasaan ako ngayon. Kung hindi rin dahil doon ay hindi ko masasabing; my life is worth living, na may rason pala kung bakit ako nabuhay sa mundo. Iyon ay para ipakilala s

