Chapter 95 VENICE SANDOVAL'S POV - "Okay na kaya ito?" maang kong pagtatanong habang abala sa pagtingin sa kabuuan ko mula sa harapan ng malaking salamin. I'm wearing a casual a dress in beige color na tinernuhan ko lang ng flat sandals at maliit na sling bag. Tumagilid pa ang ulo ko dahil hindi ko malaman kung ayos na ba ito, o masyadong simpleng tingnan. Mayamaya lang nang lumapit si Leo sa likuran ko, kapagkuwan ay hinawakan ang magkabilaan kong balikat dahilan para mapatigil ako sa paggalaw ko. Siya namang lingon ko rito sa sarili niyang repleksyon. "This is fine. Hindi mo naman kailangan magsuot ng magarang damit, kasi maganda ka na," pahayag nito kung kaya ay napangiti ako. "Para sa 'yo, oo. Pero kay Mrs. Ortiz kaya? Baka palayasin lang ulit ako no'n," nakangusong banggit ko,

