Chapter 94 Leo - Hindi pa nagtagal nang makalabas kami ng bahay, nagulat pa ako nang sumunod ang tatlo sa akin nang makalapit ako sa kotse ko, imbes na bumalik sila sa bahay nila para kunin ang sariling sasakyan. Kalaunan nang wala rin akong magawa, ayoko nga sanang makasama ang tatlong itlog sa kotse ko dahil gusto ko ng katahimikan. Ngunit dahil sa katamaran nila ay heto at parang mga baliw na nag-aabang na buksan ko ang kotse. "Ikaw na ang mag-drive, Brandon," anas ko at saka pa binuksan ang pintuan sa passenger's seat, samantala ay nauna na ang kambal sa back's seat ng kotse. "Hindi ko alam kung saan 'yon," sagot nito dahilan para napipilan ko itong nilingon. "You got to be kidding me." "Oo nga. Anim na taon akong nasa States, tingin mo ay kabisado ko pa rin ang mga pasikut-sik

