Chapter 35 Venice - Huminga ako nang malalim nang magsimulang magtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa sinabing iyon ni Leo. Hindi ko pa malaman kung saan ba ako natatakot— pero kasi, bakit ba ako nandito pa? "Hindi ko naman ito bahay. I mean, kila Jacky ako tutuloy," alanganing pahayag ko habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan si Leo. "Well, from now on, dito ka na titira. Ibabahay na kita, Venice," dere-deretsong sambit nito na wala man lang pag-aalinlangan sa boses niya. Oh, my God! Hindi ito totoo! "Seriously?" maang kong tanong dahil hindi talaga mag-sink in sa utak ko itong nangyayari. As far as I remember, nagtapat lang naman siya ng nararamdaman niya kanina. Bakit naman ako biglang ibabahay? Excuse me, hindi pa nga kami at hindi ko pa siya asawa para ibahay ak

