Chapter 34 Venice - As a friend? May ganoon ba? Kailan pa kami naging magkaibigan ni Leo? Pagak akong natawa sa kawalan ko ng palusot, kaya iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko na iyon binawi at hinayaan na lang si Leo na mag-isip ng kung ano. Bahala siya riyan sa buhay niya. Napaismid ako at bahagyang napanguso habang sinasabayan ito sa kaniyang paglalakad. Hawak-hawak nito ang kamay ko at ayaw akong bitawan, kahit na ramdam ko ang panlalagkit ng palad ko. Kulang na lang din ay hubarin nito ang suot niyang polo kanina at gusto pang ipasuot sa akin, para raw walang makakita ng dibdib ko. Kaya heto at papunta kami ngayon sa kalapit na tiyangge upang bumili ng jacket, o kahit anong damit na pwede kong maisuot. "Ito, pwede na siguro ito," anang Leo na kinuha pa ang isang may kalakihang

