Chapter 33

2096 Words

Chapter 33 Venice - Nang makaihi ay kaagad din akong lumabas ng cubicle, bumungad pa sa paningin ko ang malaking salamin dahilan para matigilan ako sandali sa harapan nito. Matapos makapaghugas ng kamay ay sinunod kong hilamusan ang mukha ko. Huminga ako nang malalim at saka pa pinakatitigan ang sariling repleksyon. Bakas pa rin ang pagiging wasted ko sa itsura ko, hilam din ng luha ang dalawang mata ko para sa kaninang pag-iyak ko. Nailabas ko na rin ang sama ng loob ko nang sumuka ako ngunit ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko. Napansin ko pang gulu-gulo ang buhok ko, kaya maigi ko iyong inayos gamit ang daliri sa kamay ko. Wala akong dalang pouch at gamit ngayon pang-ayos, kung kaya ay mano-mano ko na lang inayos ang sarili ko. Pinunasan ko lang ang mukha gamit ang tissue

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD