Chapter 79 Leo - Isang malakas na sapak ang binitawan sa panga ko dahilan para ma-out of balance ako, literal na bumagsak ako sa gilid ng kalsada habang nakaawang ang labi sa sobrang gulat. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa dalawa. "Sinabi na namin sa 'yo ang rason, Leo. Hindi mo ba talaga kayang intindihin? Hindi mo ba kayang maghintay?" maang na tanong ni Travis na siyang sumapak sa akin, dala marahil sa paulit-ulit kong pagpunta rito sa bahay nila. Ngunit iba ngayon, galit na galit ako dahil sa nalaman ko tungkol kay Venice kung kaya ay napasugod ako rito. Sila iyong inaasahan kong magsasabi sa akin ng totoo, pero sila pa itong nagiging hadlang sa akin ngayon. "Ano pang hihintayin ko, gayong ikakasal na nga siya sa iba? Ginagawa niyo ba akong bobo?" angil ko, kalaunan nang paga

