Chapter 78 LEMUEL ORTIZ'S POV - "Here's your order, Madam," sambit ko at saka pa marahang ibinaba ang isang bucket ng beer sa pabilog na lamesa. Kumunot pa ang noo ko nang matantong nag-iisa lang iyong babae sa pwesto nito, samantalang pang-barkada ang in-order niyang beer. Naisip ko na baka may kasama naman ito, kung hindi nagbanyo ay baka parating pa lang. Well, hindi ko naman obligadong alalahanin ang mga customer dito sa Black Alley, sadyang napapaisip lang ako na mukhang malaki ang dinadalang problema ng babaeng ito. Naguguluhan man ay nginitian ko ito nang magtaas siya ng tingin sa akin. "Thank you," mahinang sambit niya, ganoon pa man ay nagawa ko pa iyong marinig. "Drink moderately." Muli akong ngumiti bilang galang sa mga customer at saka yumuko, tanda nang pagpapaalam ko,

