Chapter 77

2099 Words

Chapter 77 Venice - "I'm sorry," kaagad ko ring dugtong na hindi man niya maiintindihan ay iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon. "Hindi ka hihingi ng tulong sa akin?" pagsusumamo nito habang hindi na magkamayaw ang luha niya sa pagtulo. Mabigat man sa loob ay marahan akong umiling, doon ay pagak na natawa si Leo. Tumingala pa ito, kalaunan nang hugutin nito ang kaniyang kamay mula sa bulsa ng pants niya, saka nito ipinakita sa akin ang laman ng palad niya. Siya namang pagkalaglag ng panga ko nang matanaw ko ang pagkislap ng bagay na iyon nang tumapat ito sa ilaw mula sa kalapit bahay. Kumunot pa ang noo ko sa nakikitang dalawang singsing na hawak ni Leo. "Hindi ito ganoon kaganda at 'di rin mamahalin, binili ko ito noong unang sahod ko." Mapakla itong natawa, ilang beses pa siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD