Chapter 76 Venice - Malakas akong natawa, ilang beses ko pang hinahampas ang hawak-hawak kong throw pillow. Sa lakas ng pagtawa ko ay halos umalingawngaw iyon sa kabuuan ng sala, 'di na rin malabong umabot iyon sa kalapit bahay namin dito sa villa na ilang metro ang layo ng mga bahay. Kaya hindi na ako magtatakang bigla na lang may sumugod dito sa bahay ngunit masyado nang pre-occupied ang utak ko na hindi ko na nagawang intindihin iyon, kahit nga iyong pinapanood ko ay hindi ko na rin masundan pa, basta ay tawa lang ako nang tawa. "Ano ba 'yan, Venice?" naguguluhang turan ni Trevor. "Kita mo ito, sinong baliw ang tatawa sa palabas na A Walk to Remember?" Dinig kong angil naman ni Travis, marahil ay naiinis na rin sa kanina ko pang pagtawa. Rason iyon para matawa magtawanan sila na

