Chapter 75 Venice - "Si—sinabi niya iyon?" Gumaralgal ang boses ko sa labis na pagkadurog ng puso ko. "Yup, ilang araw na rin siyang walang paramdam. So basically, hindi siya nagsisinungaling." Umawang ang labi ko para sana magsalita ngunit sa kawalan ko nang masasabi ay mabilis ko rin iyong itinikom. Napakurap-kurap ako, saka pa nag-iwas ng tingin. Literal na wala akong masabi, kung 'di— iyon na 'yon? Alam ko, umpisa pa lang ay kasalanan ko na. Aminado naman ako na masyado akong tanga para hindi masabi sa kaniya kaagad ang naging sitwasyon ko sa States. Hindi ko siya nagawang kontakin, o maski magpaalam. Kasalanan ko, pero ganoon na lang ba iyon kadali? Kalaunan nang pagak akong matawa, ilang beses pa akong tumango-tango. Tama, wala akong karapatan na kwestyunin si Leo. In the firs

