Chapter 56 Venice - Napayuko ako, kasabay nang mas masagang luha ko na patuloy pa rin sa pagtulo. Wala iyong katapusan na para bang lahat ng emosyon ko sa maghapon ay ngayon ko lang nagawang mailabas, sa harapan pa mismo ni Leo. Tila ba sa kaniya ko na lang nailalabas ng hinaing ko sa buhay, lahat ng problema ko ay sa kaniya ko na sinasabi dahil sa kaniya na lang din ako may tiwala. Mas lumakas ang paghagulgol ko habang panay ang punas ni Leo sa mga luha kong ayaw paawat. "Hush, baby. I don't want to see you crying, so please... stop. It makes me feel weak." Dinig kong pahayag ni Leo dahilan para dahan-dahan akong mag-angat ng tingin sa kaniya. "Paano ako tatahan, huh? Buong magdamag kang walang paramdam? Hindi mo alam na mamatay-matay ako kahihintay ng tawag mo, akala ko ay napaano

