Chapter 69

2099 Words

Chapter 69 Venice - "Ang aga mo namang mamanhikan. Isa pa, wala pa sina Mama," palatak ko rito dahilan nang malakas niyang pagtawa. "Kidding aside." Isang patak ng halik ang iginawad nito sa noo ko. "Wala pa akong napapatunayan sa pamilya mo, kaya I will take it slowly." Kumibot ang labi ko nang kindatan niya ako, saka ko natantong wala pa akong mumog, kaya ay mabilis kong naitulak si Leo palayo sa akin. Nagulat ito sa ginawa ko, saka pa ako sinundan sa banyo nang pumasok ako roon upang maghilamos at nang makapagsipilyo na rin. Samantala ay maang lang akong pinapanood ni Leo na naroon nakasandal sa hamba ng pintuan, kitang-kita ko ang pagnguso nito na para bang pinaglalaro sa kaniyang labi ang isang ngiti na hindi ko malaman kung para saan. Baka dahil sa katotohanang una na ako nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD