Chaptee 41 Venice - "Venice!" malakas na sigaw ni Courtney nang makapasok ako sa department namin dahilan para magsilingunan ang mga katrabaho namin sa gawi ko. Halos matuod pa ako sa pwesto ko dahil nagmukha lang akong sikat na ramp model na naglalakad sa gitna ng red carpet sa gitna. Lahat ng mga mata ay nasa akin at sinusundan ang bawat paggalaw ko hanggang sa makalapit ako sa cubicle ko. Nang malingunan ko pa si Marga na siyang nadaanan ko kanina ay napansin ko ang pagtataas nito ng kilay, iniisip siguro nito kung bakit pa ako pumasok matapos ang dalawang araw kong pag-absent. Inungasan ko na lang ito dahil hindi pa rin ako maka-get over sa naging landian nila ni Leo— ang boyfriend ko. Oh, my God! Biglang nag-init ang pisngi ko nang maalala ang gwapong mukha ni Leo, lalo ang part

