Chapter 51 VENICE SANDOVAL'S POV - Sa narinig ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, wala sa sariling natulala ako sa mataray na mukha ng mama ni Leo. Ngayon ko masasabi na sa kaniya nakuha ni Leo ang bilugang mata, matangos na ilong at may natural na mapulang labi. Hindi ko lang inakala na ganoon kalayo ang ugali nila sa isa't-isa dahil kahit papaano naman ay napatunayan kong may magandang kalooban si Leo. Sa pagkakatulala ay nakalimutan ko nang huminga, hindi rin ako makagalaw at parang nag-ugat na lang sa kinahihigaan ko. Palamunin? Nakakatawa lang, may trabaho naman ako. Nagkataon lang na naglayas ako at naabutan niya kami rito ni Leo. Kasi kung tutuusin ay hindi ko naman talaga balak din na mag-stay dito sa bahay nila. Wrong timing lang ang pagdating niya ngayon. "Lemuel,"

