Chapter 7

2071 Words
Chapter 7 Venice - Ngiting-ngiti ako nang makapasok ako sa lobby ng A&D Tower na animo'y may masamang binabalak. Well, masama naman talaga ang balak ko, but of course— with a twist, kaakibat kasi nito ay ang isang gabing puno ng sarap. Buong pagmamahal na ibibigay ko kay Warren ang katawan ko. Walang kulang, bagkus ay labis-labis. Maging ang kaluluwa ko ay siyang isusuko ko rin. Kung ito ang magiging daan para mahalin niya ako ulit ay walang problema. Dala ng kalasingan ay napahagikhik ako, umaalog ang magkabilaan kong balikat para sa mala-demonyitang pagtawa ko. Baliwala sa akin iyong babaeng receptionist at nilampasan lang ito, kahit pa'y tinawag niya ako. Walang lingun-lingon na tinungo ko ang elevator area at kaagad na pumasok sa bakanteng elevator, bago pa man din ako maabutan ng receptionist, o ng guard na pinatawag nito ay maagap ko iyong isinarado. Napasandal ako sa metal na dingding ng elevator, kapagkuwan ay itinukod ang isang kamay sa aking baba na nag-anyong nag-iisip. Ano kayang position ang pwedeng unahin? Missionary? Dog style, o cow girl? Rawr! Muli ay natawa ako, umalingawngaw pa iyon sa apat na sulok ng elevator dahilan para magpaulit-ulit iyon sa pandinig ko. Kasabay nito ay ang pagsinok ko. Mayamaya pa nang bumukas ang pintuan sa tamang palapag. Dati na akong naglalagi rito, kaya alam na alam ko ang bawat kantong lilikuan at kung gaano kahaba ang mga hallway. Nanlalabo man ang dalawang mata, ramdam ko man ang pagkahilo ko ay hindi iyon naging balakid sa akin. Kalaunan nang huminto ako sa isang pintuan na may pamilyar na room number, saka napangisi sa katotohanang ito na ang unit ni Warren. Nagbaba pa ako ng tingin sa security device na nakakabit sa pintuan. Hinawakan ko iyon, ilang beses ko pang kinalkula sa isipan ko kung tama ba ang natatandaan kong passcode. Higit limang buwan na rin kasi iyong huling punta ko rito, hindi pa nagtagal nang halos mapasigaw ako nang tumama ang unang beses na pag-try ko. "Yes!" mariing sigaw ko na pilit pang pinipigilan ang sarili na huwag gumawa ng eksena sa hallway na iyon. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na pumasok doon. Bumungad sa akin ang madilim na paligid, kaya maagap ko ring kinapa ang switch ng ilaw. Nang mabuksan ay tumambad pa sa paningin ko ang magulong sala. Nangunot ang noo ko ngunit kaagad ko ring isinawalang bahala iyon. Nang magbaba ng tingin sa paanan ay umalpas ang masayang ngiti sa labi ko nang makita ang isang pares ng sapatos, pati ang dalawang puting medyas. Ibig sabihin ay nandito si Warren. Oh, God! Lalo yata akong na-excite. Matapos mahubad ang heels ay itinabi ko pa iyon sa sapatos ni Warren. Nangingiti ako habang pinapalibot ng tingin ang kabuuan ng sala. Umimpis pa ang labi ko nang makita sa center table ang isang bote ng alak, nakatumba na iyon doon at wala nang laman, kasama ng isang baso at kaha ng sigarilyo. Napansin ko rin ang puting t'shirt na naroon nakasampay sa sandalan ng sofa. Dala ng matinding kalasingan ay tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko ang kakaibang init sa isiping lasing din si Warren. Sh*t! Wala pa man ay literal nang nag-iinit ang katawan ko, kaya bago pa man maglaho ay nilingon ko na ang pintuan sa kwarto ni Warren. Sa mismong kinatatayuan ko na rin inumpisahang hubarin ang suot kong satin dress na kulay pula at umabot hanggang sa gitna ng hita ko. Hapit na hapit ang kurba ng baywang ko roon, kaya lumilitaw ang ganda ng katawan ko. Mula sa manipis nitong strap ay madali ko lang iyong inilihis sa balikat ko, saka marahang hinubad paibaba sa paanan ko. Halos manuot pa sa balat ko ang lamig sa unit ngunit wala na akong naging pakialam doon. Sunod kong tinanggal ang hook ng bra ko na naroon lang sa harapan ng dibdib ko, bago ibinaba ang panty. Dala ko pa iyon nang dahan-dahan kong tahakin ang pintuan sa kwarto ni Warren. Gaano man ako kaingat ngayon sa paglalakad ay lintik naman itong pagsinok ko. Naging sunud-sunod iyon na animo'y sinasadya. Ilang segundo pa nang pihitin ko ang doorknob, saka marahang itinulak at doon ay pumasok. Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw sa paligid, naging sapat na sa akin ang liwanag mula sa lampshade, kaya iyon ang una kong nilapitan. Sandali ko pang natanaw si Warren na nakahiga sa king size bed. Nakatalikod ito sa gawi ko, kaya ang hubad nitong likuran ang siyang nasisilayan ko. Kumot lang din ang nagtatakip sa kalahati ng katawan nito at hindi na ako makapaghintay na makita at malamang wala siyang suot pang-ibaba. Ngunit bago iyon ay mabilisan kong pinatay ang lampshade, roon ko binitawan ang hawak na panty at itinabi sa bedside table. Kapagkuwan ay dahan-dahan na naupo sa gilid ng kama, sa lambot pa nito ay bahagya iyong umuga. Pasalamat na lang talaga ako sa alak at hindi ko nagagawang kabahan ngayon, wala akong ibang maramdamang emosyon kung 'di ang labis na pagka-excite. Napangiti ako, saka tuluyang hinarap ang pwesto ni Warren. Wala akong makita sa kadilimang pumapalibot sa kwarto. Marahan kong kinapa ang kama, bago itinaas ang kumot upang sumuot doon at mabilis na sinakop ang espasyong nakapagitan sa amin ni Warren. Kaagad ko ring nalanghap ang natural na amoy nito, amoy na amoy ko iyon dito pa lang sa hubad niyang likod. Tila ahas pang pumulupot ang kamay ko sa baywang nito at saka dinama ang matigas niyang abs. Umawang ang labi ko. Hindi ko na malaman kung ano na ang itsura ko, basta ay para akong nanalo sa lotto sa katotohanang magtatagumpay ako ngayong gabi. Lalo at dinig na dinig ko ang mahinang paghilik ni Warren. Wala na ring anu-ano'y bumaba ang kamay ko, sa nang-aakit na paraan ay pababa iyon nang pababa at doon ko natantong wala itong suot maski boxer, o brief. Kaagad kong nadama ang mainit nitong pagk*lalaki sa palad ko. Nakahilig ang mukha ko sa matigas nitong balikat, kaya halos makagat ko pa ang braso niya sa sobrang tuwa. Sa ilalim ng kumot ay gumagalaw ang kamay ko, taas-baba iyon sa kahabaan nito na para bang inihahanda sa isang giyera. At mula pa sa kaninang nakahimlay at natutulog niyang pagk*lalaki ay unti-unti iyong bumabangon, tila nagkakaroon ng buhay. Ramdam ko ang dahan-dahang pagbakat ng ugat sa balat niya at ang paglaki nito. "Hmm..." Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw si Warren. Umikot siya ng higa at humarap pa talaga sa gawi ko, sandali akong hindi nakahinga. Hinihintay ko pa ang magiging reaksyon nito, kung totoo bang nagising ito ngunit nananatili siyang walang imik. Wala sa sariling napahinga ako nang malalim. Muling gumalaw ang kamay ko sa kahabaan nito, pero kaagad ding nahinto nang hawakan ni Warren ang kamay ko na kamuntikan ko pang ikahimatay dala ng sobrang gulat. "Hmm?" pag-uulit nito ngunit hindi ako nagsalita, nananatili akong tulala sa kawalan. Sa kadahilanang walang ilaw ay wala akong makita kahit anino nito, tanging ang boses, paghinga at bawat galaw lang ni Warren ang naging basehan ko sa oras na iyon. Ang pagkagulat ko pang iyon ay unti-unting naglaho sa reyalisasyong hindi ako itinulak ni Warren, kahit pa gising na ito. Hindi ko man lang ito nakitaan ng pagtanggi, o kahit ang pagkagulat sa katotohanang nandito ako. Napangiti ako, saka pa wala nang pasabing inilapit ang mukha sa kaniya. Sinundan ko ang mainit nitong pagbuga ng hangin, kaya madali kong natagpuan ang labi nito. Sa pagkakaawang no'n ay mabilis kong naipasok ang dila. Napahawak naman ito sa balikat ko, pero hindi ko naramdamang kumakawala siya, bagkus ay humawak siya roon bilang suporta at para mas mailapit ako sa katawan niya. Halos magkaisa ngayon ang katawan namin, dama ko sa dibdib ko ang pagpintig ng puso nito. Sa bawat halik ko pa ay siyang sinusuklian iyon ni Warren, katulad kong lunod sa alak ay nagpakasawa kami sa labi ng isa't-isa. Lasap na lasap ko pa ang lasa ng alak sa kaniyang bibig. Mapaghanap at puno ng pagnanasa kung halikan ko siya, tila ba iyong mga araw na hindi ko ito nakasama ay ngayon ko ibinubuhos ang pagka-miss ko sa kaniya. Ganoon din si Warren sa akin, bukal sa puso nitong ginagantihan at sinusundan ang bawat paggalaw ng labi ko. Ginagalugad ang kabuuan ng bibig, makailang ulit pa kaming nagpapalitan ng laway at naglalaban ng dila. Mayamaya pa nang dalhin nito ang kamay kong hawak niya sa batok nito, kapagkuwan ay bumaba ang palad niya sa baywang ko. Ilang ulit na nagtataas-baba ang kamay nito roon dahilan para magtaasan ang balahibo sa batok at dalawang braso ko. Umalpas pa ang masayang ngiti sa labi ko sa pagitan ng halikan namin. Sinasabi ko na nga bang mahal pa rin ako ni Warren, damang-dama ko iyon sa kung paano ito tumugon. Punung-puno iyon ng pagmamahal. Kasabay nito ay ang pagbaha ng saya sa puso ko, sa wakas ay alam ko nang may pag-asa pa ako kay Warren. Kaya madali ko na lang itong mapapapayag sa kagustuhan kong maikasal sa kaniya, lalo pa ngayong alam kong mahal na mahal pa rin pala niya ako. "Uhmm," ungol ko nang sinadyang kagatin nito ang labi ko, pero siya ring ganti ko rito. Hindi naglaon nang gumalaw si Warren. Tumihaya ito ng higa at dahil hawak niya ako ay nadala ako nito sa kaniyang ibabaw. Napaupo ako sa bandang tiyan niya ngunit nagkusa na akong dumulas pababa upang madama ang nag-uumigting nitong pagk*lalaki. Dinig ko ang mahinang pag-ungol ni Warren, kalaunan nang bumitaw ako sa walang katapusang halikan namin. Bumaba ang labi ko sa leeg nito, pinadaanan ko pa ng dila ko ang umbok ng kaniyang adams apple. Kapagkuwan ay sisipsipin ang balat nito roon upang mag-iwan ng marka— marka na siyang patunay na akin lang si Warren. Bawat pagdampi ng labi ko sa leeg nito ay ang paghagod ni Warren sa baywang ko, paakyat sa hubad kong likuran. Ramdam ko roon ang tila panggigigil ngunit hinayaan ako nito sa ginagawa ko. Mayamaya pa nang bumaba pa ulit ang labi ko, mula sa balikat niya, sa dibdib nitong may maliliit na buhok. Sa abs niyang mas matigas pa sa malamig na pandesal. Pababa pa ako nang pababa, bawat madaanan ng labi ko ay hinahalikan ko na para bang sinasamba ko ang katawan ni Warren. Ang kamay pa nito ay naroon na sa balikat ko, tila inaalalayan pa ako sa pagbaba ko. Hanggang sa tumama na lang ang mukha ko sa matulis at mahabang sandata nito, roon lang ako tumigil at nagtagal. Kaagad ko ring naramdamanan ang pagka-tense ng muscles ni Warren sa dalawang binti nito. If I know, natutuwa ito sa ginagawa ko. Napangiti ako, kapagkuwan ay hinalikan ang ulo ng nakasaludo niyang pagk*lalaki. Hinawakan ko pa ang dulo no'n, ilang beses ko iyong inulit na sukatin gamit ang palad ko. Bakit parang— lumaki? Ilang pulgada yata ang inilaki nito kumpara sa nakaraang sukat ko rito, tumaba rin iyon. Halos manibago ako, akala mo ay nagbakasyon lang si Warren at hindi ko na makilala ang pagk*lalaki niya, though na-excite ako sa katotohanang lumaki nga iyon. "Na-miss ko ito. It's been a long time, my friend," bulong ko habang pinapakiramdam iyon sa palad ko. Ang pagkakangiti ko ay wala ng katapusan. Tangka pang isusubo ko iyon nang pigilan ni Warren ang ulo ko, kaya sandali akong natigilan at saka pa siya tinanaw mula sa madilim na paligid. "Don't," paos niyang sabi na ang sexy pa sa pandinig ko. Napasinok ako, kasabay nang mahina kong pagtawa. "Bakit? Don't you like it?" Narinig ko ang paghinga niya nang malalim, kapagkuwan ay bumagsak ang likuran nito sa kama dahilan para saglit akong umahon mula sa pagkalaluhod ko sa harapan niya. "Can you please, forgive me? I know it's my fault at pinagsisisihan ko na naman lahat iyon. Gusto kong bumawi sa 'yo, Warren..." mahabang pahayag ko sa boses nagmamakaawa. Muli akong napasinok dala ng kalasingan ko, hirap pa akong napalunok nang tila bumaligtad ang sikmura ko at gusto kong sumuka ngunit naging malaki ang pagpipigil ko sa sarili. Tumikhim ako, bago inabot ang kamay nito. "Please, Warren," dugtong ko pa nang hindi siya magsalita. "So, ano bang maipapangako mo sa akin?" "Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, lahat ng kahilingan at gusto mo ay gagawin ko. Just please, let's stick by each other. I love you, Warren." "All right, but don't call me Warren tonight. Just moan, okay?" "Yes, master."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD