Chapter 19

2058 Words

Chapter 19 Leo - Umawang ang labi ko, huli ko nang natanto kung anong ginawa ko. Sandali akong natulala sa kawalan, para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako nakagalaw. Kasabay pa nito ay ang pagkamatay ng kabilang linya, hudyat na ibinaba iyon ni Venice. Hirap akong napalunok, ramdam ko pa ang unti-unting pamumuo ng pawis sa noo ko hanggang sa tumulo na lang iyon sa mukha ko. Napakurap-kurap ako, bago pigil ang hiningang nagbaba ng tingin sa apat na siyang maang na nakatitig sa akin. Sa kaninang sigaw ko ay literal na huminto rin ang mundo nila. Si Gabriel na nakanganga at hawak ang bote ng alak, si Melvin na walang emosyon ang mukha ngunit mapanuri naman ang mga mata kung titigan niya ako, si Paul Shin na salubong ang dalawang kilay. Habang si Warren na nakatingala lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD