Chapter 20 VENICE SANDOVAL'S POV - "Saan ka naman natulog at ngayon ka lang umuwi, huh?" Ang boses na iyon ni Papa ang yumanig sa mundo ko dahilan para magising ang natutulog kong diwa. Kaagad akong napapitlag sa kinatatayuan ko mula sa hamba ng pintuan. Wala pa sa sariling nalingunan ko ang wall clock sa dingding at nakitang pasado alas sais na ng umaga. F*ck, hindi ko namalayan at inumaga na pala ako. Ngayon lang ako nabalik sa ulirat, kaya parang ngayon ko pa lang naramdaman ang sakit ng ulo ko, hatid ng walang kasawaang pag-inom kagabi. Animo'y pinipiga ang ulo ko at hinahati sa dalawa dahilan para bulgar akong mapangiwi. "Huwag mo akong nginingiwian diyan, Venice! Tinatanong kita!" sigaw ulit ni Papa na naging mitsa upang tumiklop ang dalawang tainga ko. "Ki—kila Jacky po, Pa.

