Chapter 16 Venice - Sa buong biyahe namin ni Leo ay tahimik lang ako, wala akong imik habang nakamasid lang sa labas ng bintana. Pilit ding pinipigilan ang sarili na huwag siyang lingunin, kahit pa ramdam ko ang ilang beses na paglingon niya sa akin. Wala na akong gana na magsalita pa. Lahat na lang kasi ng sasabihin ko ay may ibabato siyang salita, kaya mas pinili kong itikom na lang ang bibig. Bahala nang mapanis ang laway. Mayamaya pa nang huminto kami sa tapat ng Monte Alba Hospital, matapos niyang patayin ang engine ay nilingon ako nito. Hindi ako nagsalita, bagkus ay nauna ko nang binuksan ang pintuan sa tabi ko at madaliang bumaba ng kotse. Pabagsak ko pang isinarado ang pintuan, saka deretsong tinungo ang main entrance ng nasabing hospital. Kaagad ko ring naramdaman ang presen

