Chapter 15 Venice - Labag iyon sa kalooban ko, all right? Katulad nga ng sinabi ni Leo; pumayag man ako, o hindi ay wala na akong ibang choice. Kung hindi lang din nasa kaniya ang panty ko ay kaya kong palabasin na nagsisinungaling lang siya at gumagawa ng kwento. Pero hindi, matalino talaga ang lintik na hudas na iyon. Bandang huli ay ako pa ang naiipit sa sitwasyon. Unless na lang din kung gusto ko talagang mapahiya sa sanlibutan, oras na ipinagkalat niya ang nangyari sa amin. May utak naman din ako na umayaw, but of course— ayokong kamuhian ako lalo ni Warren. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa at lalaban pa rin ako, kahit paglayuin man kami ng tadhana, o kahit ni Leo mismo. Manigas siya riyan, katawan ko lang ang hawak niya at hindi ang puso at kaluluwa ko. At hindi pwedeng pakiala

