Chapter 12

2085 Words

Chapter 12 Venice - Kinabukasan nang maalimpungatan ako sa sobrang lamig na nararamdaman, halos nanunuot iyon sa kahubadan ko dahilan para magmulat ko. Iyong puting kisame kaagad ang bumungad sa paningin ko, pati ang liwanag na siyang nanggagaling sa labas ng balcony. Doon ko natantong umaga na pala. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, saka ko nakitang alas siete na ng umaga nang masilayan ang wall clock. Sunod kong hinanap kung saan nakapwesto ang aircon, maagap ko naman iyong nakita at nasa kabilang gilid lang ng kwarto. Wala pa sa sariling nagbaba ako ng tingin sa lalaking naroon sa harapan ko. Nakatalikod ito sa gawi ko, kaya kitang-kita ko ang hubad niyang likuran. Mas malinaw ko na ngayong nakikita ang katawan nito, kumpara kagabi na wala man lang akong maaninag. Napangiti ako,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD