The Arrange Marriage
(Childhood Part)
“Pwede ba Odette, hindi naman 'yan para saiyo! Panlalaki yan!” Sigaw ni Max at pilit na hinahablot ang toy gun na hawak ni Odette
“Ahhh! Nauna ako dito!!” Sigaw din ni Odette at agad itinaas ang hawak nitong laroan
Naiinis na tumatalon si Max dahil hindi nito maabot sa kamay nig batang babae ang laroan. Mas matangkad kasi ito kanya kahit mas matanda siya ng dalawang taon gulang
“HAHAHAHA Hindi niya maabot, kasi bulilit kapa HAHAHAH mas matangkad pa nga saiyo si Marcus eh”
Hindi na napigilan ni Max ang sarili sa pang aasar ni Odette kaya tinulak nya ito at mabilis na tumakbo. Yon pa naman ang pinaka kinaiinisan ni Max, dahil sa kanilang magkakapatid siya lang ang hindi matangkad. Kaya madalas itong matukso at madalas napagkakamalan namas bata. Nakuha siguro nito ang height ng kanilang mommy Sopia na pure Pilipino
“Ahhh!! Daddy! Daddy! Tinulak ako ni Max” Mangiyak ngiyak na sigaw ni Odette
Nakita naman sya ni Marcus na kakauwi lang galing sa Swimming Lesson nito. Mabilis itong lumapit kay Odette at tinulongan siyang makatayo
“Are you okay Odette?” Agad na tanong ni Marcus
“Max pushed me”
Mangiyak ngiyak na sumbong nito. Inaalalayan naman ito ni Marcus patungo sa mommy nila para mag sumbong.
Same age lang si Odette at Marcus kaya madalas sila ang nagkakasundo. At dahil mabait, mapag bigay ito kaya humanga sa kanya ang batang babae.
“Oh, why are you crying?” Tanong ni Sopia sa batang umiiyak kasama ang anak nya
“Tinulak po kasi ako ni Max” Sumbong naman Odette
“Yong batang yon talaga pina iyak ka nanaman”
Napailing na sambit nito. Minsan nga ay hindi narin nito kaya ang pagiging pasaway ni Max. Madalas din kasi itong napapaaway sa kanilang eskwelahan.
“Marcus call your kuya”
Tumango naman si Marcus at patakbo nitong hinahanap ang kanyang kapatid.
“Odette, may masakit ba sayo?” Tanong ni sa batang kanina pa umiiyak
“Masakit po ang likod ko, Tita”
Tiningnan naman kaagad ni Sopia ang likod ni Odette. May sugat ito na parang may kung anong nakatama. Siguro sapag kakatulak ni Max.
“Mommy, mommy nakita kona po si Kuya” Sigaw ni Marcus
Natawa naman si Sopia ng makita nito ang kanyang limang anak. Sumunod pala ang tatlong magkapatid sa mga kuya nila
“Mommy what's happening?” Nagugulohang tanong ni Maxene
“Eto kasing kuya Max mo tinulak si Odette” Ani ni Sopia
“Why did you do that kuya? She's a girl, why did you pushed her?” Dagdag naman ng bunso nilang kapatid na si Ana Marie
“Max Addam, I need your explanation? Why did you pushed Odette? I also need to hear your side, right Odette?” Nakangiting pahayag ni Sopia
Gusto nya kasing malaman ang side ng bawat isa to be fair to them. Ayaw nitong makita at maramdaman ng mga anak ang unfair treatment kaya madalas ay tinatanong mona nito ang mga bata kung ano ang dahilan bakit sila nakakakagawa ng mali.
“Eh, kasi ayaw nyang ibigay saakin ang laroan ni Marcus, eh toy gun naman yon” Paliwanag ni Max
“Ako naman ang nauna eh” Hirit naman ni Odette
“Kahit na...panlalaki 'yon isa pa dapat mga manika ang nilalaro mo kasi babae ka. Katulad nila Maxene!” Galit na sigaw ni Max
“Oo nga Odette, you should play with us” Singit naman ni Maxene dahil siya lamang ang madalas na kumakampi kay Max
Napailing na lamang si Sopia at napabuntong hininga. Alam nya kung ano ang kahihinatnan nito kapag hindi pa siya umawat
“Okay, quite monaaa! Let me talk. Just me” Suway nito kaya napatigil ang mga bata at napatingin sa kanya.
“Dahil narinig kona both sides. Max Addam, you need to say sorry to Odette. Mali ang ginawa mo. Diba mommy and daddy told, do not hurt someone physically or emotionally”
“But Mom–kaya kolang naman sya tinulak kasi.. kasi inaasar niya ako” Mautal utal na paliwanag ni Max
“Kasi.. s-she said I'm bulilit dahil mas matangkad saakin si Marcus” Dagdag nito. Nauutal utal pa ito
Tiningnan naman ni Sopia si Odette na nakayuko narin. Siguro ay guilty ito. Mga bata nga naman
“Odette, hindi rin tama ang mag salita ng hindi maganda sa isang tao. Lalo na kung alam mong ikakasakit ng damdamin nila. You need to say sorry too”
“I...I'm sorry Max, Ikaw kasi eh”
Napailing na lamang si Sopia, muntik na tuloy nitong makalimutan na hindi pa pala nag so-sorry ang anak nya
“Mommy, did kuya say sorry na to Odette?” Pahabol ni Marcus ng makita nitong aalis ang mommy nila para sana kumuha ng first aid kit
“Oh yeah, I forgot. Hindi kapa pala nag sosorry Max”
Napkakunot naman ng noo si Max at pinandilatan ng mata si Marcus dahil sa pag sumbong nito.
“Tsk...Okay sorry Odette” Ani nito
Na halos magkanda tumba na dahil kumaripas ito ng takbo. Nahihiya ito sa sinabi niya sa mortal nyang kaaway.
Araw araw ay ganoon ang sitwasyon nila. Kahit sa pinakamaliit na dahilan ay nahahanapan nila ito ng rason para pag awayan. Napapasapo na lamang ng ulo ang mga parents nila.
(Teenage Part)
Highschool na silang apat sa same school sila pumapasok. Si Odette at Marcus second year highscool na at magkaklase sila. Samantalang Fourth year highschool na si Max at First year highscool naman si Maxene.
Wala paring silang pinag bago away doon away dito parin si Max at Odette. Samantalang habang tumatagal lumalalim naman ang pag hanga ni Odette kay Marcus. Dahil mas lalo itong gumuwapo. Matalino, mabait at napaka gentleman
Si Odette naman ay lumaking cute, matangos ang ilong, maputi makinis at matangkad, chinita rin ito kaya mas lalong bumagay ang bangs nito sa cute nitong mukha.
Wala naman masyadong nag bago kay Max. Bukod sa tinuboan ito kaunting pimples. As usual pasaway parin ito at bully
“Good morning Odette” Mapang asar na bati ni Max kasama nito ang mga kaibigang kapwa nyaring bully na naka abang sa gate ng school
Inirapan lamang ito ni Odette at hindi pinansin. Napahiya si Max sa mga kasamahan, kaya hinila nito ang backpack ng dalagita para gantihan
“Oh ano? Papalag kaba ha? Ano palag na?” Pang aasar nito
“Tigilan mo nga ako Max. Bitawan mo ang bag ko!”
“Ayoko nga! HAHAHAHA”
“Pwede ba Max, highschool kana pero isip bata ka parin!” Sigaw ni Odette at buong pwersang hinatak ang bag nya sa kamay ng mapang asar na binatilyo
Pero imbes na ibigay. Maslalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag na halos masira ito. Mapapaos na lamang si Odette sa kakasigaw pero parang bingi lamang si Max. Natutuwa pa ito sa kanyang ginagawa
“Kuya! Anong ginagawa mo? Let go of her bag!”
Napatingin silang dalaw, si Marcus pala kasama nito si Maxene na kakarating lang sa school
“Marcus..” Mahinang sambit ni Odette
“Kuya, I said let go of her bag. She's going to be late” Dagdag ni Marcus
“Hay naku, eto nanaman ng super hero ni Odette. Oh ayan, happy?”
Binitawan naman ng binatilyo ang bag dahilan para ma out of balance si Odette
“Ah!! Kuya si Odette!!”
Nag tinginan ang lahat sapag sigaw ni Maxene. Mabilis naman tumakbo si Marcus para salohin si Odette na muntik ng masubsob sa putikan
“M-Marcus...”.
Ang tanging lumabas sa bibig ng dalagita nang salohin sya ng gwapong binata. Napatulala pa ito habang nakatitig sa makinis na mukha ni Marcus
“Hoy! Mala-late na kayo”
Sigaw ni Maxene na nagpa balik sa ulirat ni Odette. Nabigla ito sa kanyang naging reaction kaya agad itong umalis sa bisig ng binata at umayos ng tayo
“Ano kaba Odette, napakabata mopa para sa mga ganito” Bulong nito sarili
Samantalang sa Mansyon ng Clarkson ay pinag usapan na kung papaano nila sasabihin ang mangyayaring Arrange Marriage
“Seryoso ba talaga kayo?” Tanong ni Sopia
Nagaalala ito sa mararamdaman ng mga bata lalo na sa kanyang panganay na anak
“Honey, we already talked about it” Ani naman ni Travis
“But honey, they don't like each other. Baka mahirapan sila”
“If they don't like each other. How about Marcus? I think Odette will going to like him” Pahayag ni Simon
Nabigla naman si Sopia. Mas lalong hindi nya gugustohin kung si Marcus. Lalo na at alam nyang marami itong pangarap. Hindi nya gustong isipin na baka masira lamang ang mga pangarap ng kanyang anak kung mag asawa ito ng maaga. Wala na siyang magagawa gustohin man nitong tumutol dahil sa guilt na kanyang nanararamdaman, ngunit tingin nito ay hindi na magbabago pa ang desisyong ng kanyang asawa.
“Uhm, no. He would definitely won't agree to that . You know.. Marami siyang pangarap. He is not yet ready ” Agad na suway ni Sopia
“My wife is right, it'll going to be hard if we choose Marcus. But we need to tell to them this afternoon after their class. They need to know as early as possible para magkaroon sila ng mahabang panahon to get along and to know each other” Paliwanag naman ni Travis
Alam ni Sopia na mahihirapan silang sabihin sa dalawang bata. Halos hindi na ito makakain sapag iisip ng magandang timing at paraan kung paano aaminin sa dalawa, na itinakda na silang ikasal after nilang mag graduate sa College.
“Alam kong gustong gusto ni Odette si Marcus dahil gwapo, matalino at matangkad ito. Pero tiyak ako na hindi sya gusto ng kapatid ko masyado lang mabait si Marcus at sipsip HAHAHA” Ani pa ni Max sa kausap nito
“Pre! Pre!”
Halos mapatalon si Max sa sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan. Para syang inatake sa puso sa sobrang gulat
“Ano bayon?” Agad na tanong nito
“Ang kapatid mo si Marcus binubogbog ng isang Senior high”
“Ano? Si Marcus? Bakit naman eh hindi naman pala away yon”
Pagtataka nito at mabilis na tumakbo habang sinusundan ang kaibigan.
“Ako lang ang may karapatan suntokin ang kapatid ko!!”
Sigaw ni Max ng maaktohan nito ang pag suntok sa mukha ng kapatid nya
Nandilim ang paningin niya. Sinipa nya Ang tagiliran ng kaaway ni Marcus at agad inambahan ng malakas ng suntok Ang Mukha nito.
“Kuya tama na! Bakit nandito ka! Ako ang kaaway eh” Awat ni Marcus.
Nang makita nito ang mala Manny Pacquiao na galawan ng kuya. Nakaramdam ito ng takot dahil halos hindi na makatayo ang kaaway sa mga mga binibitawan suntok ni Max
“Tumahimik ka'riyan! Ang lakas ng loob mong makipag away. Lampa ka naman!” Sigaw ni Max na kahit nakikipag suntokan ay narinig parin si Marcus at deretsyo parin itong nakakasagot.
“Ano bang atraso sayo ni Marcus ha?” Tanong ni Max habang kinikwelyohan ang
“Pag sabihan mo 'yang kapatid mo wag na wag na ulit syang lumapit kay Rica” Sabat naman nito sabay waksi ng kamay ni Max sapag hawak sa kanyang kwelyo. Matapang parin ito sa kabila ng natamo nya
“Kung Ganon isang babae lang pala pinag aawayan nyo? HAHAHAHA”
“Kuya hindi lang basta babae si Rica. Hindi ko ma-imagine na magugustohan nya ang lalaking yan”
Sa hindi kalayoan naka masid lamang si Odette. Halos madurog ang puso nya sa narinig. Buong akala pa naman nito may gusto rin sa kanya si Marcus dahil sa mga pinapakita sa kanya. Pero ang bestfriend lang pala nya ang gusto nito
“Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Rica. Bukod sa maganda at matalino model pa ito ng isang kilalang brand” Ani ni Odette sarili
“Odette! What happened!?”
Napalingon ito sa kinaroroonan ng boses. Nakita nito ang humahangos na dalagita sa sobrang pagmamadali
“Maxene?.."
“Ask your kuyas” Mataray nitong tugon sabay walk out
“Kuya Marcus what happened to your face? And also to you kuya Max?”
Agad na tanong nito sa kanyang mga kuya. Nang makita nito ang mga sugat at tama sa mukha ng mga kapatid nya
“Maxene, were okay. Don't mind us” Ani ni Marcus
Alam nitong magsusumbong si Maxene sa parents nila dahil may pagka tyismosa ito
“This is Principal Gregorio. Announcing for Marcus, Max Addam Clarkson and Lyndon Rivero. Come to my office now!!”
Natigilan ang lahat ng studyante sa narinig nilang announcement mula sa Speaker ng Campus. Ang ilan naman ay nag sitakbohan pa sa kinaroroonan nila Marcus para maki tsismis
“Kuya..” Nanginginig na tinig ni Marcus
Natatakot itong ma guidance at malaman ng parents nila. Dahil ayaw nya silang ma dissapoint
“Halika na..” Tipid na sabat ni Max
Nauna itong naglakad patungo sa principal's office. Sumunod na lamang si Marcus kahit may takot itong nararamdaman sa mga pwedeng mangyare
Pag pasok nila sa office ay naroon na si Lyndon Rivero ang nakaaway nila. Alam nilang ma impluwensya ang pamilyang Rivero. Sa katunayan ay tiyohin ni Lyndon Rivero ang may ari ng skwelahan nila, kaya alam nilang mas papanigan ito
“Seat down boys” Ani ng principal
Agad namang umupo ang mag kapatid. Nasapo ng paningin ni Max si Lyndon nakangising tumitig sa kanya
“Marcus Clarkson, you are a top student here. Why did you get yourself in trouble. It such dissapointment to us and to your parents”
Hindi na naka imik si Marcus alam nitong kahihiyan ang nagawa nya lalo na sa parents nila. Nanlulumo ito at napapaisip kung bakit sya nadala ng kanyang damdamin.
“Madam Principal...” Singit ni Max
“What it is Max Addam?”
“Wala pong kasalanan sa nangyare si Marcu—”
“What do mean? Are you defending your younger brother? You don't need to. The evidence is clear, just look at his face” Pag putol nito sa sasabihin ni Max
Napatingin naman si Max sa kapatid. Simula kanina ay hindi pa nya ito natitigan. Umiiwas naman si Marcus sa kuya nya, ayaw nyang makita nito ang kanyang mukha na halos mapuno ng pasa at sugat. Tiningnan rin ni Max si Lyndon pero tahimik lang simula kanina. Sigurado syang hindi ito nag sumbong sa principal
“Paano, napakatanga, aawat nalang sinalo pa lahat ng suntok na hindi naman dapat para sa kanya” Pagsisinungaling ni Max
Nabigla ang lahat sa sinabi nya maging si Lyndon. Nag dadalawang isip ang principal kung maniniwala ito sa sinabi ni Max. Pero naisip nito na baka totoo dahil madalas ngang mapaaway ang binatilyo na madalas ay pinapabayaan lang nila. Dahil narin sa impluwensya ng pamilyang Clarkson.
Pero sapagkakataong ito ay hindi na pwedeng pabayaan ng sipsip na principal dahil involve ang pamangkin ng may ari ng eskwelahan
“Totoo ba ang sinasabi ni Max Addam, Lyndon Rivero?”
Nabigla naman si Lyndon natameme rin ito at napaisip kung ano ba dapat nitong isagot. Napatingin ito kay Max na nakatitig rin pala sa kanya. Sumenyas ito ng may pahiwatig.
“He's not lying madam Principal”
Agad na wika ni Lyndon. Nagsinungaling ito dahil takot syang na baka hindi tigilan ni Marcus ang nililigawan nitong dalagita.
Napatitig naman sa kanya ang principal ng mga ilang segundo para siguradohin kung nagsasabi ito ng totoo. Pero sadyang magaling din mag panggap si Lyndon. Napa buntong hininga na lamang ang principal sa isip isip nya okay lang kahit anong nangyare dahil wala naman sinumbong ang pamangkin nang may ari ng eskwelahan.
“Okay, kung totoo man kailangan kitang bigyan punishment Max Addam. I won't tolerate you to do such things inside the campus. You should obey the rules, malaki pa naman ang tulong at donation natatanggap ng school mula sa Father nyo para sa mga scholar at sa ilang project ng school nakakahiya ito kay Mr. Clarkson”
Napa buntong hininga na lamang si Max. Samantalang ay nahihiya si Marcus sa kanyang sarili pakirandam nito ay isa syang duwag sa hindi pag-ako ng kasalanan nya
“Max Addam, you are 5 days suspended I will call Mrs. Clarkson after this to tell everything. I hope it won't happen again”Pahayag ng Principal. Ilang minuto lang din ay pinalabas na sila
“Kuya bakit mo ginawa yon? Bakit mo inako ang kasalan ko?”
Agad na tanong ni Marcus sa kuya nito, Napailing lamang si Max kasabay Ng pag haglpak Ng tawa nito
“HAHAHA Ang drama mo! Akala mo talaga walang kapalit Ang ginawa ko”
Napatulala si Marcus nabigla ito sa tinuran ng kanyang kapatid. Sa isip niito ay mas mabuti nalang na humingi ng kapalit si Max para naman mabawasan ang guilt na nararamdaman nya, at awkwardness nito. First time kasi nitong ipagtanggol Ng kanyang kuya dahil Hindi naman sila close at madalas nag aaway
“Ano yon ha?”
“Syempre 5 days akong walang allowance” Pahayag ni Max nakangisi pa ito
“Anong ibig mong sabihan?” Pagtataka ni Marcus
“Edi Ibibigay molang naman ang 5days allowance mo saakin”
“Ano? Seryoso Kaba kuya? Grabi Naman ata yon”
“So ayaw mo?”
“Sige na nga pero 80% lang Ng allowance ko need kodin Naman bumili Ng snacks no”
“Okay pwede na, but one more thing kailangan ipahiram mo saakin ang PS5 mo Ng 5days”
Halos malaglag Ang panga ni Marcus sa mga kondisyon Ng kuya niya sa tingin tuloy nito ay hindi talaga ito totoong concern sa kanya. Pinaka iingatan pa naman niya Ang kanyang PS5 na iniregalo sa kanya Ng kanyang tiyohin galing pa sa US dahil sa pagiging consistent honor student nito since elementary. Alam niyang hindi maingat si Max sa mga gamit kaya labis Ang pag alala nito at pag dadalawang isip. Lalo na at Hindi sila sunod sa layaw kahit na mayaman sila. Hindi sila pinalaking spoiled at Hindi sila pinalaki na makukuha agad kung ano man ng gustohin nila kahit na pinaganak silang mayaman. Kaya alam nya na kung masira iyon ay mahihirapan siyang ipaayos dahil tutol rin ang mommy nila sa Laroan nyang PS5 dahil addiction at distraction lang daw ito sapag aaral bukod don napakamahal din.
“Ano ayaw mo? Wag kang mag alala iingatan ko Naman Ang pinakmamahal mong laroan”
“Okay deal, pero promise mo iingatan mo ah. Napaka mahal pa naman non, at Hindi na ulit tayo magkakaroon non kapag nasira”
“Alam ko, wag kang mag alala magaling Ako don.. swerte mo nga eh may sarili kang PS5 samantalang Ako ilang birthday wish ko yon Hindi manlang nila binigay”
“Eh kasi nga Hindi mo pinagbubutihan Ang pag aaral mo. Diba sabi nila mommy at daddy reregalohan ka nila Ng pS5 kapag nagka honor ka”
“Hay naku, tingin ko nga Hindi Tayo mayaman eh kasi Hindi manlang Tayo mabilhan Ng mga gusto natin”
Napag pasyahan Ng dalawang magkapatid na sabay na silang umuwi. Samantalang si Odette ay Hindi parin mapakali iniisip parin nito Ang mga narinig at nasaksihan kanina. Nawalan tuloy ito ng gana na sumama sa bestfriend nitong si Rica sa modeling agency hinihikayat kasi sya nitong maging model rin
“Oh Odette, bakit parang ang lalim Ng iniisip mo” Ani ni Rica Ng makita nito ang Hindi mapintang mukha ni Odette
“Wala. Badmood lang ako”
“Badmood ka nanaman? Dahil ba ito sa kuya ni Marcus ha?” Tanong naman ni Rica
Pero Ang Hindi alam ni Rica alam badmood si Odette dahil sa nalaman nya. Napatitig nanaman si Odette sa kaibigan niya pinagmasdan nyaring ito mula ulo Hanggang paa parang ina-analize nya kung may kapintasan ba ito pero BIGO ito dahil halos perpekto Ang kaibigan nito maging sa ugali nito na ubod Ng bait tapos matalino pa. Hindi na sya magtataka kung maging Ang crush niyang si Marcus ay magka gusto sa kanya
“Bakit ba Ako?” Tanong ni Odette sa kaibigan
Natawa naman si Rica tilay tinatansya rin nito kung nagbibiro lang Ang kaibigan pero nakikita nya Naman na seryoso ito sa kanyang tanong
“Anong klaseng tanong Yan Odette syempre maganda ka bukod don cute Karin maging anak Kaba Naman Ng isang kilalang businessman tapos may lahi kapang japanese. Atsaka Hindi naman kitata hihikayatin sa modeling Kun Hindi ka maganda” Paliwanag ni Rica sa kaibigan nito
“Pero bakit parang walang nagkakagusto saakin” Ani pa nito
“Ano? Yan ba Ang basehan mo sa pagiging maganda kailang may magka gusto Sayo.. isa pa imposibling walang magka gusto Sayo.. tsaka masyado pa naman tayong bata para sa ganyan diba”
“Yeah I know. Pero Sayo kasi maraming umaamin tapos may nanliligaw pa na mga mayayamang studyante”
Ang
“Halos lahat Naman Dito mayaman.. isa pa kaya siguro walang may lakas Ng loob umamin Sayo kasi napaka suplada mo palagi rin nakabusangot yang mukha mo” Paliwanag ni Rica
Napaisip si Odette, tama nga Ang kaibigan nya napaka suplada nya at mainjtin din Ang ulo nito kaya siguro ay ilag at ilang Ang mga studyante sa kanya
“Do I need to change my attitude? Baka magustohan Ako Ng crush ko?” Seryosong tanong nito
“What? Are you d*mn serious Odette? you are going to change your attitude for a person you like?”
“Yes..” Tipid na sagot nito
“No, you don't need to change your attitude for that person.. change your attitude because you need to and you want.. Kung gusto ka ng isang tao tatanggapin ka nito kahit anong ugali meron ka. Isa pa you're too young for that don't be so rush” Makabulahan nitong payo sa kanyang kaibigan
“Tama nga si Rica, masyado akong nadadala.. puppy love lang Naman ito.. Hindi pa nga ako naka graduate ng highscool tapos yon agad ang iniisip ko nakakahiya” Bulong nito sa sarili
“Oh ano? Sama ka saakin” Tanong ni Rica
Nag isip mona si Odette naalala nito na tinext pala sya ng assistant ng kanyang Daddy kailangan nitong umuwi ng maaga at didiretsyo na sa Mansyon ng Clarkson doon na sila mag d-dinner at may importante silang pag uusapan
“Pasensya na Ric, siguro bukas nalang pinapauwi kasi ako ni daddy ng maaga” Paalam nito tumango na lamang si Rica at nauna ng lumabas
Sumunod naman si Odette paglabas palang nito sa gate ng school naka abang na ang service nitong kotse agad syang pinag buksan ng driver. Ilang minuto lang nakarating na sila sa Mansyon ng Clarkson hindi na bago sa kanya ang Bahay at halos mag kasing laki lang Naman ito ng Masyon nila at Bahay bakasyonan nila sa Davao
“Good afternoon maam” Bungad ng isang katulong na nag bukas ng gate kanya big, tumango lamang si Odette at tuloyan Ng pumasok sa loob
“Ate Odette!” Sigaw ni Ana Marie na sobrang malapit sa kanya. Sinalubong nya naman ito at niyakap tsaka kiniss sa pisngi
“Oh Odette halika meryenda tayo” Yaya ni Marcus
Biglang naalala ni Odette ang nangyare sa school nawalan nanaman sya ng gana. Inirapan nya na lamang si Marcus nagtaka naman ang binatilyo sa tinuran niya
Maya maya lang din ay umuwi na ang daddy at mommy nila kasunod naman ang daddy ni Odette, si Simon.
“Max at Marcus tumawag saakin si Principal Gregorio. Napa away ka nanaman pala Max Addam at 5 days suspended karin” Ani ni Sopia
“Opo, pasensya napo”
“Pero bakit si Marcus Ang mukhang bugbog sarado?” Tanong ni Simon Ng makita nito ang hitsura ni Marcus
Natigilan Naman silang tatlo, natameme si Odette dahil alam Naman Ang puno't dulo pero nahihiya itong sabihin at wala rin syang lakas ng loob. Mabilis na nag dahilan si Max kagaya ng dahilan nya sa principal nito..napa iling na lamang si Sopia at Travis. Hindi na Mona nila iyon tinugonan Ng pansin dahil may kailangan pa silang sabihin
“Maam nakahanda napo ang mga pagkain” Wika ng tagaluto ng pamilya Clarkson
“It's dinner time!” Sigaw ni Derek at patakbong tumungo sa Dining area.
Sa limang magkakapatid ito ang pinaka malakas kumain kaya mataba ito halos puro lang kasi pagkain ang bukang bibig nito ni wala itong pakialam sa nangyayare sa paligid
Pagkatapos nilang mag dinner ay sinabihan si Max at Odette na dumeretsyo sa conference room sa loob ng mansyon. Sasabihin na kasi nila ang kanilang plano nabigla pa si Odette dahil kasama sya. Sa tingin nito ay nagkamali lang sila ng nabanggit na pangalan
“Bakit Po kasama Ako?” Tanong ni Odette
“Basta pumunta ka nalang mamaya sa conference room pagkatapos mong mag gayat” Utos ni Simon sa anak
Napaka kunot naman ito ng noo, umalis na ito at tumungo sa isang kwarto na ipinasadya pa ni Travis para sa kanya. Minsan kasi ay doon nanatutulog si Odette sa Mansyon Ng clarkson kaya pinagawan nalang nila ito ng kwarto. Dahil mga katulong lang Naman Ang nakakasama nito sa bahay nila at madalas ding wala si Simon dahil sa mga business proposal nito sa ibang bansa.
Pagkapasok ni Odette ay napa hilata ito sa kama, tinatamad na itong lumabas pero kailangan nyang sundin Ang daddy niya. Bumuntong hininga Mona ito Saka tumayo. Pinag masdan nito ang reflection sa salamin
“Hays.. bakit kaya walang nagkakagusto saakin” Ani nito sa sarili habang naka tingin parin sa salamin
Ilang minuto lang ay binuksan na nito ang tukador at kinuha ang isang white dress na favorite nyang suotin kapag nandoon sya. Inilapag nya ito sa kama nya at mabilis na tumungo sa banyo para maligo
Halos isang oras Bago ito natapos maligo, dahil marami itong ginagamit na skin care sa paliligo nya. Agad din itong nag bihis at naglagay na Ng night cream sa Mukha at lip gloss. Pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto para tumungo sa conference room. Napapa kunot pa ito Ng noo dahil nasa ground floor ang conference room. Napaka haba pa naman ng hagdan sa Mansyon
“Bakit Ang tagal mo Odette” Bungad ni Max na kanina pa naghihintay sa kanya dahil nagmamadali itong tumungo sa kwarto ni Marcus para kunin Ang PS5 na hiniram nya
“Ano Naman.. pwede ba Max tigilan mo Ako. Wala Ako sa mood” Mataray nitong Saad
“Mas Lalo Naman Ako” Hiri Naman ni Max
“Tumigil na kayong dalawa! Dapat magkasundo ma kayo” Suway ni Travis
“Oo nga highschool na kayo at Ikaw Naman Max tigilan Mona ang pang aasar kay Odette. Malapit kanang mag college dapat mag mature kana” Dagdag Naman ni Sopia
Napakunot ng noo Ang dalawa, tiningnan ni Odette si Max pero pinandilatan sya nito kaya inarapan nya lamang ang Mapang asar na.binatilyo
“Mom, Yan lang ba Ang sasabihin nyo?” Tanong ni Max
“Oo nga tita, mukhang malabong magkasundo kami” Ani naman ni Odette
“Odette kailangan nyong magkasundo”
“Pero bakit dad? Dahil highschool na kami? Eh tingnan mo nga si Max napaka isp bata”
“Dahil napag pasyahan namin na ikakasal kayo after nyong mag graduate sa College” Agad na Pahayag ni Travis
Labis Ang pagkabigla Ng dalawa. Hindi nila lubos maisip na ikakasal sila, halos masuka si Odette sa narinig
“What? Arrange Marriage?” Gulat na tanong ni Odette
“Oo Odette kaya kailangan nyong magkasundo” Ani naman ni Sopia
“Pero Da