Mabigat ang ulo ko habang bumababa ng hagdan kinabukasan. Hindi ako nakatulog halos buong gabi. Pabalik-balik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Joel kagabi sa veranda, ang paraan ng pagkakahawak niya sa aking pisngi, ang init ng kanyang palad sa balat ko. Para akong sinumpa hindi makawala sa anino niya.
Sa bawat yapak ko pababa, sinasabi ko sa sarili ko: Maddy, itigil mo na ‘to. Huwag mong hayaang lamunin ka ng damdaming ‘yan. Hindi siya para sa’yo. Hindi dapat. Pero ang puso ko, tila may sariling isip.
Naabutan ko si Joel sa may kusina. Nakatalikod siya habang nagkakape, suot ang puting sando at gray na jogger pants. Naaninag ko ang hulma ng likod niya, ang matipunong balikat, ang lapat ng kanyang katawan. Lumingon siya, at doon ko nakita ang mapupungay niyang mata pagod, ngunit puno ng pagnanasa. O baka ako lang ang nag-iisip nun?
“Good morning,” bati niya, bahagyang nakangiti.
“Good morning,” mahina kong tugon. Kinuha ko ang baso sa counter at nagbuhos ng tubig, pilit iwas ang tingin.
“Aalis si Grace mamaya. May lunch meeting daw siya sa labas.”
Tumango ako. Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit. Ramdam ko ang mainit niyang presensya sa likod ko. Halos magdikit ang katawan namin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.
“Be careful today, Maddy…” bulong niya. “The house can be dangerous when it’s just the two of us.”
Napalunok ako. Hindi ko alam kung biro ba iyon o babala.
Nang umalis si Mama pasado alas onse, naiwan kaming dalawa ni Joel sa malawak na bahay. Tahimik. Para kaming mga leon at biktima na umiikot sa iisang kulungan.
Nagpunta ako sa library para magbasa at makalimot. Isang malaking silid iyon sa ikalawang palapag puno ng mamahaling libro, leather chairs, at vintage na chandelier. Paborito ko na agad. Tahimik. Malayo sa Joel problem ko. Kinuha ko ang isang hardbound na novel sa shelf. “The Secret Keeper.” Bumagay sa mood ko. Umupo ako sa sulok at binuklat ang libro, pero hindi pa ako nakaka-ten pages nang biglang bumukas ang pinto.
Si Joel.
“Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa,” wika niya, pumasok at isinara ang pinto. Kumabog ang dibdib ko. Bakit niya isinara ang pinto?
“Mahilig po talaga ako... dati pa,” sagot ko, pilit kalmado. Hindi ko siya tinitingnan.
Lumapit siya sa shelf, nagkunwaring may hinahanap. “This room was my father’s,” aniya. “Lahat ng libro dito, siya ang nag-ipon. Memories from Italy... secrets, too.”
Napalingon ako. Secrets? Ano ang ibig niyang sabihin?
“Kahit ako... may mga lihim dito.” Lumingon siya sa akin, seryoso ang mukha. “Gusto mong makita?”
Nagtaka ako. “Anong ibig mong sabihin?” Lumapit siya sa pader, pinindot ang isang bahagi ng wooden panel. Biglang bumukas ang isang maliit na lihim na lagusan sa likod ng shelf. Nanlaki ang mata ko.
“Come here, Maddy,” yaya niya. Nanginginig akong lumapit.
Sa loob ay may maliit na silid mga kahon, lumang files, larawan. Binuksan niya ang isang kahon at inilabas ang isang picture frame.
“This was my first wife…” bulong niya. “Namatay siya sa aksidente. Sa Italy.”
Hindi ako nakagalaw. “I’m sorry…”
Tumango siya. “That’s why I moved here. To start again. But I didn't expect to find you…”
Napasinghap ako. “Joel...”
Humarap siya. Isinara niya ang lagusan, tinitigan ako. “I didn’t mean to fall for you, Maddy. I tried not to. But every day, every look... you make it impossible.”
Napalunok ako. Lumingon ako palayo, nanginginig ang tuhod. “This is wrong…”
“It feels wrong... but it feels real,” bulong niya. Naramdaman ko ang palad niya sa balikat ko, mainit, nanginginig. Dahan-dahan niya akong hinarap.
“Look at me,” mahinang utos niya. Napatingin ako. Ang lalim ng tingin niya. Wala nang biro. Wala nang pader.
“Kung pipigilan mo ako... hihinto ako. Sabihin mo lang. Pero kung hindi mo ako itataboy ngayon... Maddy, hindi na ako makakaatras.” Humingal ako, pilit nilalaban ang sariling damdamin. Pero ang puso ko... sumusuko.
“Joel... huwag...” mahinang sabi ko.
Pero bago pa ako makatapos, hinawakan niya ang mukha ko. Mainit. Marahan. Wari bang hinihintay kung lalayo ako. Hindi ako gumalaw. At doon niya ako hinalikan. Mainit. Malambot. Mabagal. Parang sinasamba ang labi ko. Napapikit ako, nalimutan ang lahat. Ang mundo. Ang tama at mali. Tanging kami lang ang naroon. Nang bumitaw siya, hingal na hingal ako.
“Sorry…” bulong niya. “I can’t help it.”
Naglakad siya palayo, iniwang bumabagsak ang dibdib ko sa bilis ng t***k ng puso. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, ang panginginig ng katawan ko. Pag-alis niya, napaupo ako sa sahig ng library, hawak ang dibdib ko. Ano ba ‘tong nangyayari? Bakit parang gusto ko pa? Bakit parang mas gusto ko pa siyang halikan kaysa layuan? Ilang minuto akong tahimik doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ng katulong mula sa hallway.
“Ma’am, may dumating pong package para sa inyo.”
Tumayo ako, pilit nilalaban ang kahinaan ng tuhod. Paglabas ko, nandoon si Joel nakangiti, parang walang nangyari. Inabot niya ang isang maliit na box.
“Para sa’yo,” sabi niya.
“Ano ‘to?” tanong ko.
“Open it later. Private.”
Kumabog ang dibdib ko. Tumango ako, dinala ang box sa kwarto.
Sa loob ng silid, dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Isang kwintas manipis, silver, may maliit na heart pendant. Simple pero elegante. May kasamang maliit na note: "For your secret keeper heart. — J"
Napaupo ako sa kama, hawak ang pendant. Ang bibig ko nakanganga, ang isip ko gulo-gulo. Bakit niya ako binibigyan ng regalo? Para saan ito? Para patunayang pag-aari na niya ako?
O baka... para ipakitang totoo siya. Na seryoso siya. Na hindi ito laro.
Lalo akong nalito.
Ipinikit ko ang mga mata ko, hawak pa rin ang kwintas. Ano bang dapat kong gawin? Tumakbo? Lumaban? O sumuko?
Pero ang puso ko... tila may sarili nang desisyon.