Chapter 19

1016 Words
Chapter 19 "No, Monica. Hindi ko isasaalang-alang ang mental health mo para sa pagpasok. Hindi kita ipressure sa academics mo, ayos lang kahit bumagsak or mag drop ka ngayon pero please naman anak. Take a rest naman muna," pagmamaka-awa ni mama sakin. No. gusto ko talaga pumasok at tapusin ang sem na 'to. Hindi ako pwedeng bigla nalang mawala sa school na 'yon dahil lang sa sila ang naging dahilan nang mental health ko. Hindi ako papaya na wala akong gawin sa kanila. Mas lalo na sa mga taong minsan nang nanakit sa'kin, mas lalo na sa mga tinuring kong kaibigan. "Ma, ilang weeks nalang po at mtatapos na ang sem. Ayaw ko naman sayangin ang mga bagay na pinag hirapan ko nang una palang, gusto kong tapusin ma," pagpupumilit ko. Alam ko na labag sa kanila 'yon. Hindi naman ako tanga para hindi nila malaman ang naging problema ko, kung bakit ako nag tangka na mag pakamatay. Hindi ko lang masikmura na tatakbuhan ko ang problema ko, na iiwan ko nalang sa school na 'yon na madumi ang pangalan ko. Hindi ako papayag! "Pamangkin, alam mo naman na nandon ang iba pang mga tao na nag patriggered ng depression mo. Ang gusto naming nang mama mo ay maging safe ka, sa lahat nang bagay. Ayaw ka naming i-risk sa school na gano'n," paki-usap ni tita Amika. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman na nag aalala sila sa'kin, pero hindi ko rin naman ilalagay sa alanganin ang mental health ko. "Ayaw ko lang po na iwan ang pangalan ko na madumi sa kanila," tumingin ako kay mama, "Payagan niyo na po ako. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko, at pag tapos nang sem ako na mismo ang mag-aayos nang papers ko para lumipat," Pagmamaka-awa ko. 'yon naman talaga ang balak ko. Ang lumipat nang school pag tapos ko linisin ang pangalan ko, tsaka sayang naman ang isang sem na inumpisahan ko kung hindi ko tatapusin. Masasayang lang ang mga ginawa ko una palang. "Alam mo ang pinag-aalala namin, Monica," tumango ako. Alam ko naman kung ba't ayaw nila ako payagan, pero ito ang gusto ko. Ito ang kailangan kong gawin. Kailangan kong harapin ang problema na binigay nila sakin, kailangan nilang pagsisihan ang ginawa nila sakin. Sa tamang paraan at sa patakaran. Hindi ako papaya na sila ang manalo, na sila ang maging tama kahit ako naman atalaga ang tama. Hindi ako papayag nang dahil sa kanila masisira ang mga bagay na pinaghirapan kong linisin. Yun ang pangalan ko. "Fine. Pero diretso uwi pag-uwian, hanggang sa maari ay umalis ka sa tuwing nandon sila." Sabi ni mama na ikinangiti ko. Napatayo naman ako sa sobrang tuwa at niyakap silang dalawa ni Tita. Alam ko na medyo risk ito sa mental at emotional health ko pero gagawin ko ang lahat para hindi takasan ang ganitong mga bagay mas lalo na ang mga gano'n na tao. "Salamat mama!" tuwang-tuwa kong sabi. Tumango nalang silang dalawa, at nag patuloy na kaming kumain. Kahit papaano'y lumuwag ang dibdib ko sa nangyari. Ang pagsabi ko nang problema ko sa doctor at ngayon ay nasusunod na ang gusto ko. Hindi ako papayag na matalo, hindi ako papayag na ulit-ulitin nila 'yon sa iba. Ayaw kong maging makasanayan nila ang mga gano'n na pag uugali. At mas lalong ayaw ko na iiwan ko ang sarili kong problema para masabi kong na resulba ko 'yon. Handa na ang pagkain, bitbit ko na rin si Meow papunta sa pagkainan niya. Takot kasi siyang bumaba sa hagdan kaya naman hindi rin siya makaalis sa pangalawang palapag nang bahay. "Monica, masyado mo naman pinapakain ang aso mo." Suway ni mama. Nang Makita na ang dami kong nilagay na pagkain kay Meow, gano'n naman palagi 'yon. Palagi nga niyang nauubos ang pagkain na nilalagay ko, pero pag tapos no'n ay wala na siyang oras para makipag laro. Diretso tulog nalang pagtapos kumain. "Nauubos naman po niya ma. Tsaka para po tumaba," rason ko. "Hay naku, ikaw ang bahala," kunsemeng sabi ni mama. Nag katingingan nalang kami ni tita bago parehas na ngumiti. Ngayon lang naman ako nag karoon nang pet, gusto ko yung malaki at maharot pero si Meow ay malaki lang di maharot. Ang sabi nga nila pag malalaking aso ay mga tamad. Ngayon, naniniwala na ako na tamad nga talaga sila. Naupo na kami sa hapag, hindi na kami gaanong nag usap. Habang si tita naman ay kausap si mama tungkol sa balik ko sa doctor. Pwede na pala na ako nalang mag-isa ang pumunta, para malaman ko rin ang daan at hindi gaano makaistorbo kay tita. Pumayag naman sila parehas. Hindi ako sanay na palaging may kasama na magulang or guardian. Basta ang gusto ko, natututong akong mag-ayos nang mga papel na ako lang mag isa. Dahil mahirap masanay. Mahirap masanay na palaging may kasama, dahil darating ka rin sa point na ikaw lang mag isa ang mag lalakad, at walang aasahan na ibang kasama. Katulad ngayon. Nasanay akong nandito palagi ang mga kaibigan ko, pero sa huli ay sinira nila ako, hindi lang sa emahe kundi sa emotionally. Masakit para sakin ang ginawa nila. dahil never kong na isip na gagawin nila sa'kin 'yon, tinuring ko silang kapatid at tunay na kaibigan pero sa huli'y ako rin ang na walan. Sila masayang-masaya dahil na pababa nila ako sa pwesto ko bilang deans lister, pero isa lang ang masasabi ko. Walang makakatalo kay Monica Esquibel. Hindi na ako papaya na gaguhin nang iba. Hindi na ako papayag na pa-ikutin nang iba dahil iba na ako. Iniba nila ako, minulat sa katotohanan na hindi lahat nang tinuturing mong kaibigan ay tunay. At hindi lahat nang tao sa paligid mo ay walang masasabi sa'yo pati na rin sa mga bagay na ginagawa ko. That's the reality of life. Kailangan natin mabuhay sa realidad, kesa sa mga bagay na gagawin tayong bulag. Mahirap maging bulag, ginagago nang lahat. Katulad ko na baliktad nang mali. At isa pa, walang makakatalo sa pera. Dahil ang tao kayang gawing tama ang mali gamit ang pera. That's is the reality.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD