Chapter 20

1027 Words
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Maaga akong bumangon mula sa higaan para mag handa nang mga gagamitin ko sa pagpasok. Nag ayos ako nang sarili ko, bitbit ang bag papunta sa baba ay nakita kong na kahanda na ang mga pag kain sa hapag. Habang si Meow naman ay nag uumpisa nang kumain ng kanya. "Ang aga mo ata?" tanong ni mama na nag hahanda nang pag kain. Naka-uniform din siya, mukhang kailangan niya pa rin pumasok sa office. "Opo ma, ayaw ko po mahuli sa klase ngayon. Tsaka kailangan ko pa po kausapin ang mga prof ko sa mga absences na ginawa ko," nag kakamot na ulo ko. Sana maintindihan nila ang naging kalagay ko. "Gano'n ba? Wag masyadong mag stress sa klase, okay?" tumango ako at nag umpisa na kumain. Habang na sa hapag ay walang humpay sa pag papaalala sa'kin si tita tungkol sa mga gamot na iinumin ko. Samantalang si mama naman ay sa ika-stress ko sa school. Alam ko naman na ang mga gagawin ko. Kahit naman hindi nila sabihin 'yon ay gagawin ko pa rin. Nasanay ako maging responsible at ngayon naman ay masyado akong na baby nilang dalawa dahil sa nangyari. Hangga't sa kaya nila akong ilayo sa mga bagay-bagay na ikaka-apekto nang mental health ko ay nilalayo nila. Ilang oras din ang naging byahe ko. Mas malayo na kasi ang lugar na tinitirhan ko kesa dati na iisang jeep lang ang layo. Kailangan ko na rin masanay sa byahe. Kailangan dahil 'yon ang ikakabuti sa Kin. "Mag ingat ka okay? Ang mga payo ko sa'yo sundin mo," paalala ni mama. Tumango nalang ako bago humalik sa pisngi nila ni tita at bumaba mula sa sakyan. Pag pasok ko sa gate ay pansin ko na ang kakaibang tingin nang mga student sa'kin. Ano pa nga ba ang aasahan ko. Siguradong kumalat na ang mga ginawa ko, ang chismis pa ba? Never mag papahuli ang mga tao sa balita. "Monica!" nilingon ko kung saan nang galing ang sigaw nang pangalan ko. Mula sa malayo ay nakita ko si Greza. Walang emosyon ang mukha niya pero sumesenyas siya sa'kin na hintayin ko siya. Tumango nalang ako at hinintay siyang makalapit sa'kin. ""Buti pinayagan ka pang pumasok?" bungad niya nang makalapit sa'kin. Marahan akong tumango sa kanya bago ngumiti, "Oo, baka mas lalo akong ma stress pag nasa bahay ako," Natatawa kong sabi sa kanya. Sabay kaming umakyat, buti nalang at nakita niya ako. Nakakilang na ang mga tingin nang mga studyante sa'kin. Mas lalo na ang ibang nakakilala sa'kin. Ngumingiti ang iba sakin at tinutugon ko rin sila nang ngiti pero hindi na katulad na dati na bating-bati. Ewan ko ba't parang na dala na ako sa nangyari sa'kin dati. "Kinulit mo nanaman ata sila. Mamaya sabay tayo sa breaktime, kinuha ko ang sched mo sa tita mo buti nalang sabay tayo," kahit walang emosyon ang mukha niya ay halata naman ang Ganado na siyang makipag-usap. Hindi na rin siya nakakatakot katulad nang una. "Oo naman. Sakto wala rin akong kasabay," tumango siya bago ngumuso. Nandito na pala kami sa harap nang room. Hindi ko namalayan na marami na rin pala ang mga studyante nandito. At isa na don ang inaasahan ko. "Nandito na pala ang baliw" natatawang sabi ni Bea bago ako tinignan mula ulo hanggang paa, "Bakit ka pa pumasok di ka na talaga na hiya 'no?" Ngumiti ako sa kanya. Ngiting matamis at puno nang tagumpay. Alam ko naman na miinis siya do'n. ayaw niya ako maging masaya, remember? "Ho-" pinigilan ko sa pag sasalita si Greza. "Nag tataka talaga ako, bakit ka pa na susunog. Tirik na tirik naman ang araw," natatawa kong sabi sa kanya at katulad nang ginawa niya tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa. Nag umpisa naman nang mag umpukan ang mga tao sa pwesto naming. Dumating na rin ang tatlo pang plastikada na hanggang ngayon hindi pa rin na susunod. "oo nga pala, hindi ka basta-bastang plastic. Isa ka nga palang goma. Bukod sa mabaho pag na sung, matibay pang uri nang plastic," dagdag ko. Kita ko naman ang pag taas nang kilay nang iba. Mukhang di nila inaasahan na sasagutin ko sila ngayon na nakabalik na ako. Bakit hindi? Kaya lang naman ako pumasok para sabihin at ipamukha sa lahat kung sino talaga ang dapat madumihan ang pangalan. "Hoy baliw. Hindi ka na nahiya kakabalik mo lang dito nag hahanap ka na agad nang g**o!" siagw ni rose. Binaling ko naman ang atensyon ko sa kanya, bago marahan na tumawa bago siya tinuro. "Hindi ako nag hahanap nang g**o. Sino ba ang nakaharang sa daan at ayaw ako papasukin? Ako ba?" turo ko sa sarili ko bago tumaas ang isang kilay, "O kayo?" "At ako baliw? Ahahha!" natatawa kong sabi sa kanila bago nag flip nang buhok ko, "anong tingin niyo sa'kin mahina?" Hindi na ako basta-basta ngayon. "Rose wag ka na makisali," sabi ni Bea na paawa effect na naman at kunwari mabait pero founder nang pagiging plastikada. "Eh, inaano ka niya!" galit na sabi ni Rose. Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, at ako nanaman ngayon ang ginagawa nilang mali. Ang galing nga naman talaga mang baliktad nang sitwasyon. Pro na pro! "wag mo masyadong kaawaan 'yang kaibigan mo. Sige ka, baka umiyak 'yan at sabihin na ako na naman ang nanguna," sabay tingin sa paligid. "Ikaw naman talaga!" sigaw ni bea. Yan nanaman siya sa pag eeskandalo niya. Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa sinabi niya, ganyan na ba siya kahayok sa simpatya. "ay ako ba?" nag tataka kong sabi bago tumingin kay Greza na ngayon ay natatawa na rin. "Hindi naman ikaw ang kausap ko at tinutukoy kong baliw, pero ikaw ang sumabat!" taas na kilay niyang sabi bago tinuro ang lalaki, "Siya ang tinutukoy ko," "Bakit ako? Hindi nga kita kilala, tsaka wag ka ngang feeling close" sabat nang lalaki na mas lalo kong ikinatawa. Ayan, ang hilig kasing mag turo. Nanuno tuloy. "Pahiya ka na? iyak ka na" sabi ko bago nag umpisa nang mag lakad at dumaan mismo sa daan nila. Monica 1 – Bea 0 Umpisa palang 'to bea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD