NAGMAMADALING PUMASOK si Jianna nang makarating siya sa mall. Tinawagan niya si Ninang Lara pero hindi na ito sumasagot. Hindi rin nagre-reply sa mga text niya. Itatanong niya sana kung saan banda ang upuan ng mga ito. Baka busy na sa pinapanood. Ibinalik na lang niya sa bag ang cellphone ang dumiretso sa sinehan. Kilala na siya ng mga guwardiya at staff doon kaya siguro ang ganda ng mga ito nang pumasok siya. Pati sina Ninang Lara at Gale ay kilala na rin dahil palagi silang nanonood doon. “Pasok lang po kayo, ma’am. Kanina pa po sila naghihintay sa inyo,” nakangiting wika sa kaniya ng isang usher. Napansin niya ang kakaibang ngiti at kislap sa mga mata nito na tila ba kinikilig. Gayon man ay hindi na lang niya iyon pinansin dahil nagmamadali siya. Ni hindi na nga niya nakita kung an

