SAMU'T SARI ang naramdaman ni Jianna habang pauwi siya. Nalulungkot siya dahil nabigo siya sa balak niya na makipag-ayos sa ama. Nasasaktan dahil sa tagal ng panahon na lumipas ay hindi pa rin ito nagbabago at mukhang wala ng pag-asa. At nangangamba dahil paano kung maisipan na naman ni Papa Robin na guluhin ang buhay niya? Lalo na ngayon na nasabi na niya ang tungkol kay Gale. Mukhang hindi pa rin nito tanggap ang kaniyang anak. Ni hindi nga natanong ni Jianna sa Papa niya kung paano at saan nito nakuha ang kaniyang bagong numero. Paano kung pati pala ang tirahan at trabaho niya ay natunton na rin nito? Ano ang laban niya sa kaniyang ama kung sakali? Napakurap-kurap si Jianna nang huminto ang sinasakyang taxi sa tapat ng bahay ni Luther. Sobrang dami ng iniisip niya kaya hindi niya

