CAUGHT

2013 Words
TUMAYO siya uli at tumalikod dito. Humarap siya sa pader at handa na siyang magpaangkin muli sa lalaking nagbigay lang naman sa kaniya ng munting anghel. Naramdaman ni Jianna na handa na rin si Luther na angkinin siya. Nang biglang… “Nanay… Nanay…” Mabilis pa sa alas kuwatro na dinampot ni Jianna ang mga nagkalat niya na damit sa sahig nang marinig niya ang boses na iyon ni Gale sa labas ng banyo. “H-hinahanap na ako ng anak ko,” kinakabahan niyang sabi kay Luther habang hindi siya magkandaugaga sa pagbibihis. “Dito ka lang muna, okay? Huwag ka munang lalabas. Papatulugin ko lang uli tapos babalikan kita dito. I-lock mo at baka himatayin si Nana Olyn kapag bigla siyang pumasok dito at nakita ka.” May panghihinayang sa mukha ni Luther ngunit tila hindi naman ito nadismaya. “Sure. Just take your time.” Kinabig pa siya nito at mabilis na hinalikan sa mga labi habang nagmamadali nang lumabas si Jianna nang marinig niya uli ang tawag sa kaniya ng anak. Ibinalik muna niya sa huwisyo ang sarili bago siya tuluyang nagpakita rito. “A-anak, bakit gising ka pa?” Nilapitan niya si Gale na nasa kusina at palinga-linga. Mukhang naalimpungatan lang ito. Nagkusot pa ito ng mga mata nang makita siya. Agad naman itong sumalubong nang makita siya. “Nagising po kasi ako na wala ka sa tabi ko kaya nagising ako. Kadarating n’yo lang po ba, Nanay?” Pasimpleng nilingon ni Jianna ang nakapinid na pinto ng banyo. Siguradong naririnig lang ni Luther ang usapan nilang mag-ina. Makikilala at matatandaan kaya nito ang boses ni Gale? “O-opo, anak. Kadarating lang ni Nanay.” Hinaplos niya ang magulong buhok nito para ayusin. “Sorry kung hindi ka na natabihan ni Nanay bago ka natulog, ha?” “Okay lang po, Nanay. Tinabihan naman po ako ni Nana Olyn, eh.” Tumingala ito sa kaniya. “Kumain na po kayo, Nanay? Gusto n’yo po bang ipaghain ko kayo?” She was touched. Sabagay, palagi namang ganoon si Gale kapag dumadating siya galing trabaho na hindi sila nagkakasabay ng kain. “Thank you po. Pero kumain na si Nanay.” Natutuwa na sinapo niya ang maliit na pisngi nito. “Halika ka na. Sleep ka na ulit. Gabi na kasi. Tatabihan ka ni Nanay.” Kumapit naman sa kamay niya si Gale. Kapagkuwan ay humikab ito at nagpakarga sa kaniya. Inihiga niya ito sa kama at saka tinabihan. Nag-hum siya ng paboritong kanta nito habang hinahagod ang buhok. Sa ganoong paraan mabilis makatulog si Gale. At iyon ang kailangan ni Jianna. Ang mapatulog agad ang anak para mabalikan na niya si Luther bago pa man si Nana Olyn naman ang magising at maisipang mag-CR. Palibhasa inaantok pa kaya agad namang nakatulog si Gale habang nakayakap pa sa kaniya. At nang masiguro ni Jianna na mahimbing na ang tulog ng anak, saka lang siya dahan-dahan na umalis sa tabi nito. Nagpalit muna siya ng damit bago niya binalikan si Luther sa banyo. Nakabihis na rin ito nang pagbuksan siya. “Sorry, Sir. Pero kailangan mo na talagang umalis. Baka kasi magising na naman ang anak ko. O baka si Nana Olyn naman ang magising.” She bit her lip. “I’m sorry talaga,” makahulugan niyang wika na ang ibig sabihin ay ang pagkabitin nito sa nangyari sa kanila kanina. Malapad itong napangiti at saka hinapit siyaa sa beywang. “Huwag mo ng intindihin ‘yon. Okay lang ako. Marami pa namang time, eh.” “At sure ka talaga na marami pang time, ha?” Inirapan niya ito, sabay tampal sa balikat nito. Tumawa ang binata. “Pumayag ka na kaya wala nang bawian pa. At pumayag ka na rin kanina na akin ka lang.” “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” “Wala. Maliban sa hayaan mo lang ako na manatili sa tabi mo.” Nakangiting pinisil nito ang pisngi niya. “Para kaming dalawa na ng anak mo ang maghahain sa’yo ng pagkain pagkagaling mo sa trabaho.” Sabi na nga ba, eh. “So, narinig mo pala ang usapan namin ng anak ko?” kumpirma ni Jianna. Nakangiti pa rin na tumango ito. “Yap. At ang sweet-sweet pala ng anak mo. Manang-mana sa’yo.” “No. Mas mana ‘yon sa ama. Ubod ng lambing at thoughtful.” Napangiti si Jianna. Kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala niya na baka malaman ni Luther ang totoo. Ilang oras pa lang silang nagkita at nagkasama uli pero alam na agad niya na totoong mabuting tao ito at magiging mabuting ama rin kay Gale kapag nagkataon. “Kung hindi mo mamasamain, sino ba ang tatay ng anak mo? Siya ba ‘yong pakakasalan mo sana sa Cebu?” interesadong tanong ni Luther. Ayaw na niyang magsinungaling dito dahil may balak na siya na sabihin dito ang tungkol sa kanilang anak. Maghihintay nga lang siya ng tamang tiyempo. “Saka na natin pag-usapan iyon. Kailangan mo munang makauwi na.” Binaklas niya ang kamay nitong nakayapos sa beywang niya dahil parang wala itong balak na pakawalan siya. Pagkatapos ay saka niya ito hinila palapit sa pinto. Sumilip muna siya at siniguradong walang tao bago sila lumabas at dire-diretso palabas ng bahay. Magkahawak-kamay pa sila ni Luther na ihahatid na sana niya ito sa sasakyan nang dumating naman si Ninang Lara. Para itong natuklaw ng ahas nang makilala ang lalaking kasama niya. “S-Sir Luther? Ano ho ang ginagawa n’yo rito?” “ANO? Totoo ba ‘yon? Hindi ka ba nananaginip lang?” hindi makapaniwalang bulalas ni Ninang Lara pagkatapos aminin ni Jianna na ang boss nila ang tunay na ama ni Gale. Pagkaalis ni Luther ay hindi agad pumasok sa unit nito ang kaibigan niya. Sa halip ay sumunod ito kay Jianna nang bumalik siya sa loob. At hindi siya tinantanan sa kakatanong hangga’t hindi niya sinasabi ang totoong ugnayan nila ng boss nila. Tutal, nabuko na rin sila. At best friend naman niya si Ninang Lara kaya napilitan siyang aminin na rito ang totoo. Kagat-labi na tumango si Jianna. “Siya ‘yong lalaking naka-one night stand ko noon sa isla.” “Pero akala ko ba mangingisda lang ‘yon?” Ikinuwento rin niya ang ikinuwento sa kaniya ni Luther kanina kung paano ito yumaman. “Grabe! Ang suwerte pala ng inaanak ko. Tagapagmana siya ng may-ari ng malalaking mall,” hindi pa rin makapaniwala na bulalas ni Ninang Lara at pagkatapos ay saka siya nito kinurot sa tagiliran. “At ikaw naman, napakasuwerte mo dahil matagal mo na palang natikman ang lalaking pantasya ng bayan. Kaya pala daig mo pa ang nakakita ng multo noong pinuntahan mo siya sa main office niya. O baka naman doon pa lang, may nangyari na ulit sa inyo, ha? Baka nakabuo na kayo.” “Loka ka! Baka marinig ka ni Gale.” Pinanditalan niya ito ng mga mata. “Hindi pa nila alam. At hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Lalo na kay Luther. Promise. Ngayon lang talaga kami nagkasama uli kasi hindi naman ako nagpakilala sa kaniya noong nakita ko siya sa main office at nalaman ko na siya ang boss natin. Sinubukan ko siyang iwasan pero ang hirap, eh. Para siyang may magnet na hinihigop niya ako palapit sa kaniya.” “Hindi ‘yon magnet. Gag*! Love ‘yon. In love ka sa boss natin.” “Love agad?” Namilog ang mga mata ni Jianna sa deklarasyon ni Ninang Lara. “One-night stand nga lang ‘yong nangyari sa amin noon, ‘di ba? At ngayon lang kami nagkita uli. So, hindi pa naman lubos na kilala ang isa’t isa.” “Iyon na nga, eh. Hindi mo pa siya lubos na kilala pero pinapasok mo na dito sa bahay n’yo” giit ng kaibigan niya. “Hindi ka naman gano’n. Hindi ka magpapapasok dito ng taong hindi mo mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin, may tiwala ka kay Sir Luther. At base sa buhok mo kanina na mukhang nilipad ng windmill, sigurado ako na hindi lang usap ang nangyari sa inyo ng boss natin.” “Bahala ka sa gusto mong isipin,” sabi niya at saka alanganing tumawa. “Mabuti pang tulungan mo na lang akong mag-isip kung paano sabihin kay Luther ang tungkol kay Gale.” “Kung ako sa’yo, mas mabuti kung sabihin mo sa kaniya nang maaga kaysa naman siya pa ang makatuklas. Baka magalit pa siya sa’yo at isipin niya na itinatago mo sa kaniya ang anak n’yo,” seryosong payo nito sa kaniya. “Mukhang pinagbiyak na bunga pa naman ang dalawang ‘yon. Siguradong magdududa agad si Sir Luther kapag nakita niya si Gale. Baka nga nagtaka na siya noong nagkita sila sa mall, eh. Kaya pala parang panay ang tingin ko sa kanilang dalawa noon dahil magkamukha talaga sila. Imposible lang ang iniisip ko noon na mag-ama sila kaya hindi ko na lang pinansin.” Napabuntong-hininga si Jianna. “Iyon na nga ang inaalala ko, bestie. Baka magkita uli sila. Hindi ko alam kung kaya ko bang magsinungaling kay Gale kapag nagtanong siya kung bakit kami close ng boss ko.” “Hindi malabong mangyari iyon. Lalo na at ang sabi mo nga, dito na pala nakatira sa Quezon Province si Sir Luther. Baka araw-arawin niyon ang pagdalaw sa’yo. Lalo na kung ginalingan mo kanina.” Nanunukso na siniko siya ni Ninang Lara. “Hindi ka na talaga tatantanan ng boss natin. Maraming babae na ang iiyak niyan kapag nalamang ikaw ang nanay ng anak niya at future wife.” Namumula ang buong mukha na kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan. “Tumigil ka na nga diyan. Baka magising pa sina Gale at Nana Olyn sa ingay mo. Bukas na natin ituloy ‘to at gabi na.” “Basta pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Na kailangan mo ng sabihin kay Sir Luther ang totoo habang maaga pa,” paalala ng kaibigan niya habang hinahatid niya ito sa pinto. “At pati na rin kay Gale. Karapatan niyang malaman ang totoo.” “I know. Bubuwelo lang muna ako.” Tinapik niya ito sa balikat. “Basta sa’tin lang muna ito, ha? Huwag mo munang ipagsabi. Lalo na sa mga katrabaho natin sa mall. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ng issue sa trabaho.” “Oo naman. Kailan ko pa ba ipinahamak ang kumareng bestie ko?” sabi ni Ninang Lara na ikinangiti niya. KANINA pa nakaalis nakahiga si Jianna pero hindi pa siya dalawin ng antok. Hindi siya makatulog sa dami ng naglalaro sa isipan niya. Isang araw lang ang dumaan pero parang ang dami-dami na ng nangyari. Mula sa pagkikita nilang muli ni Luther, sa maiinit nilang tagpo, at ngayon naman ay ang pag-aamin niya kay Ninang Lara tungkol sa ama ni Gale. Iniisip na nga niya kung paano niya sasabihin kay Luther at sa anak nila ang totoo, namroroblema pa siya kung paano niya haharapin ang boss nila kapag nagkita sila nito bukas. May magbabago kaya sa pakikitungo nito sa kaniya? Magiging lantaran kaya ito o professional pa rin? Akmang pipikit na ang mga mata ni Jianna nang tumunog ang cellphone niya. Numero lang ang lumabas pero sinagot pa rin niya dahil baka importante. “Hello?” “Jianna.” Her heart skipped a beat nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. “Luther. Paano mo nalaman ang cellphone number ko?”mahina lang ang boses niya para hindi maistorbo ang tulog ni Gale. “Sa profile mo,” amused nitong sagot. “Sorry kung naistorbo kita. Gusto ko lang mag-good night sa’yo. Hindi kasi ako makatulog hangga’t hindi ko naririnig uli ang boses mo. Kung puwede nga lang na mag-video call. Pero huwag na at baka magising pa ang anak mo.” Napangiti siya. “Good night din sa’yo.” “See you tomorrow, angel. I miss you.” Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. Nakatulugan naman ni Jianna ang matamis na ngiti sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD